NANGUNGUNA ang mga foreign-athlete para sa labanan sa Most Valuable Player matapos ang unang round ng elimination sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Base sa inilabas na statistics, dikdikan ang labanan nina University of Santo Tomas slotman Soulemane Chabi Yo at Ateneo de Manila University’s Angelo Kouame.

Nangingibabaw si Chabi Yo na may 82.71 statistical points (SPs) at hindi nalalayo si Kouame na may 81.43 SPs.

Nagtala si Chabi Yo na nasa unang taon nya sa liga ng average na 19.86 puntos at 15.29 rebounds sa loob ng 32 minuto kada laro upang pamunuan ang UST sa pagtapos sa markang 4-3 sa first round.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa panig naman ni Kouame, nakaraang Season 81 Rookie of the Year, nagtala ito ng average na 14 puntos, 13.14 rebounds, at 4.86 blocks kada laro sa loob ng 25 minuto upang pangunahan ang Blue Eagles sa pagwawalis ng first round.