HINDI na tinapos ni KZ Tandingan ang US at Canada City tour niya dahil nagkaroon ng problema sa parte ng promoter. Naka-tatlong show lang at bumalik na siya ng Pilipinas.

kz

Naglabas naman ng official statement ang Cornerstone Entertainment, Inc na talent management ni KZ tungkol dito para sa mga nakabili ng concert tickets niya sa ibang bansa.

“Cornerstone Entertainment, Inc (Cornerstone) regretfully informs the public that it will no longer push through with KZ Tandingan’s US shows in San Jose on September 27, 2019; Houston, Texas on September 28, 2019 and Stockton on September 29, 2019 due to promoter’s failure to comply with its obligations in connection with the said US shows.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Cornerstone sincerely apologies for any inconvenience caused as a result of the foregoing section.”

Base naman sa kakilala naming promoter din sa Amerika na maraming beses na ring nagpapunta ng mga kilala at sikat na entertainments ay nabalitaan nga niya ang nangyaring ito kay KZ at nalulungkot siya dahil nabahiran na naman ng hindi magandang reputasyon ang katulad niyang producer.

“Siyempre hindi magandang balita iyon for us na nagdadala ng artists dito kasi kahit na maayos kaming kausap, nadadamay dahil sa pagkakamali ng iba. Mabilis kumalat ang balitang ganyan dito sa Amerika,” sabi ng kausap naming promoter na naka-base sa Los Angeles, California at may negosyo sa San Francisco.

-eggee Bonoan