IBINIDA ng nasa 64 na exhibitor mula sa Negros Occidental, kasama na ang mga producers at local government units (LGUs), ang kanilang pangunahing produkto sa ika-34 na Negros Trade Fair (NTF), na opisyal na nagbukas sa Glorietta Activity Center sa Makati City nitong Miyerkules.
May temang “Timeless Traditions”, ang pinakamatagal nang provincial trade event ng bansa, ay tinatampok ang kultura, sining, tradisyon, kasaysayan at pamumuhay ng mga taga-Negros, lalong-lalo na ang pagmamahal ng mga Negrense sa pagkain at katangi-tanging mga obra.
Inihayag ni Michael Claparols, ang pinuno ng NTF 2019, na ang edisyon ngayong taon ay pagpapatuloy ng kung ano ang nagawa noong nakaraan, na pagpapakita ng pinakamahuhusay na produkto ng Negros.
“It is blending the old and new and connecting the past and present. We want to highlight to the people in Manila the Negros spirit,” dagdag pa nito.
Inorganisa ang taunang event ng Association of Negros Producers (ANP), sa pakikipagtulungan sa provincial government ng Negros Occidental at mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry at Department of Science and Technology.
Nitong Martes ng gabi, pinangunahan nina Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson at Vice Governor Jeffrey Ferrer ang “Arima” o ang seremonya ng pagpapatunog ng kampana bilang hudyat ng pagsisimula ng trade fair nitong Miyerkules.
Sinamahan sila ng ilang mga Negrense chefs, tulad nina Margarita Fores at Don Angelo Colmenares, sa cocktails, na nagtanghal sa mga pagkaing lokal.
Inilahad naman ni Claparols, ang ANP vice president for gifts, decors and housewares sector, na ibinida ng mga exhibitors ang pagkain, furniture, mga regalo, decors at gamit sa bahay, maging mga organics, liban sa iba pa.
Sa kabila ng maliit na lugar ngayong taon, nananatiling positibo ang ANP na hahatak ito ng malaking kita, dagdag pa nito.
Sa 2018, kumita ang mga dumalo ng kabuuang kita na P31.8 milyon sa loob ng 5 araw na trade fair na dinaluhan ng nasa 70 ANP-member at non-member producers.
“We also want to share with the people from Luzon our stories, our spirit,” pahayag ni Claparols.
Pinuri naman ni Lacson ang mga organizers at exhibitors para sa patuloy na tagumpay ng trade fair.
“I am a believer of the Negrense talent and products, and I know that with proper opportunities and innovation, our products can compete both in the local and global markets,” pahayag ng gobernador.
“Our very rich tradition and history give our present products the character that sets (them) apart from the rest,” dagdag pa ni Lacson.
PNA