Standings            W   L

Ateneo                 6    0

UP                       5    1

UST                     4    2

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

AdU                     3    3

FEU                     2    4

DLSU                  2    4

UE                       1    5

NU                       1    5

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2:00 n.h. -- DLSU vs UST (m)

4:00 n.h. -- FEU vs Adamson (m)

PATIBAYIN ang kapit sa No.3 ang target ng University of Santo Tomas sa pakikipagtuos sa La Salle sa tampok na laro ngayon sa UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament sa MOA Arena.

K

JUAN OF A KIND! Iminuwestra ni Juan Gomez de Liano ang ‘three-pointer’ na nagsalba sa University of the Philippines laban sa La Salle, 72-71, sa UAAP men’s basketball elimination nitong Miyerkoles.

JUAN OF A KIND! Iminuwestra ni Juan Gomez de Liano ang ‘three-pointer’ na nagsalba sa University of the Philippines laban sa La Salle, 72-71, sa UAAP men’s basketball elimination nitong Miyerkoles.

asalukuyang may barahang 4-2, sa likod ng nangungunang Ateneo de Manila (6-0) at University of the Philippines (5-1), haharapin ng Tigers ang dating koponan ng kanilang mentor na si Aldin Ayo  sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Tatangkain ng UST na dugtungan ang naiposteng 82-74 panalo sa Far Eastern University nitong Linggo (Setyembre 22).

Magsisikap naman si DLSU coach Gian Nazario na makabawi mula sa nakapanghihinayang na 71-72 kabiguan  sa UP Maroons nitong  Miyerkules na nagbagsak sa kanila sa 2-4 marka.

Inaasahan ni Ayo na muling tutugon ang Tigers sa kanyang panawagan at tulungan ang ratsada nina Soulmane Chabi Yo at Sherwin Concepcion.

Makikipagtuos ang FEU Tamaraws kontra Adamson ganap na 4:00 ng hapon.

Pipiliting bumangon ng Tamaraws sa dalawang sunod na pagkabigong nalasap sa kamay ng UST at National University, lalo na sa pinakahuli kung saan nalimitahan sila ng Bulldogs sa season low 39 puntos. Marivic Awitan