TUNAY na may buhay sa paglisan ni Sisi Rondina.
Naitala ng University of Santo Tomas nina Babylove Barbon at Gen Eslapor ang ikalawang sunod na panalo nang gapiin ang Ateneo’s Ponggay Gaston at Roma Mae Doromal, 21-13, 21-11,sa women’s division ng UAAP Season 82 Women’s Beach Volleyball tournament kahapon sa Sands SM By The Bay.
Mula sa dikit na 11-10 bentahe, nagawang mailayo ng four-peat seeking Tigresses ang panalo, tampok ang limang sunod na panalo para patatagin ang kampanya ng UST sa post-Rondina era.
Nanatili ring malinis na marka ng last year’s runner-up De La Salle at Far Eastern University.
Ginapi ng Lady Spikers’ nina Tin Tiamzon at Justine Jazareno ang Adamson University’s Kring Uy at Chen Ave, 19-21, 21-18, 15-12.
Nasagad din sa laban ang Lady Tamaraw nina Sheena Gallentes at Sheila Mae Kiseo kontra University of the Philippines’ Rosie Rosier and Euri Eslapor, 21-18, 21-23, 15-12.
Nagwagi ang University of the East nina Lyen Ritual at Juliet Catindig kontra National U tandem Andrea Abian at Chlea dela Fuente, 21-9, 21-17.