MAY bagong kampeon ang bansa at naghihintay ang magandang bukas sa tinaguriang ‘Heneral’.

Ipinagbunyi ang tagumpay ni Pedro Taduran, Jr., nang gapiin ang dating walang talong si Samuel Salva sa all-Filipino showdown  para sa International Boxing Federation (IBF) minimumweight world title kamakailan sa Philippine Marine Camp sa Taguig.

TARGET ni Pedro Taduran na mapataas at mapalaban sa kanyang dibisyon sa WBA at WBC.

TARGET ni Pedro Taduran na mapataas at mapalaban sa kanyang dibisyon sa WBA at WBC.

At sa ayuda ng MP Promotions ni Senator Manny Pacquiao, asahan ang mas matunog na taginting sa career ng pambato ng Albay.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“Gagawin ko po talaga anglahat ng aking makakaya para maabot ang aking mga pangarap na mag-champion sa boxing at matulungan ang aking pamilya sa Albay,” pahayag ni Taduran sa kanyang pagbisita kahapon sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros,Manila.

Umaasa si Taduran at ang kanyang kampo, sa pangunguna ni manager-coach-trainer Art Monis, na mas maraming oportunidad tulad ngmga laban sa abroad ang naghihintay sa 22-anyos  na fighter.

“Yun naman po talaga ang pangarap ko (become a world champion) simula mag-boxing ako nun nine years old pa lamang ako,” ayon Taduran.

“Kahit nung hindi ako nanalo sa unang laban ko para sa world championship, hindi ako nawalan ng pag-asa,” pahayag ni Taduran, patungkol sa kabiguan via decision sa pamosong si Wanheng Menayothin ng Thailand sa WBC minimumweight crown sa nakalipas na taon.

Nagsimula bilang Palarong Pambansa campaigner, tangan ngayon ni Taduran ang 14-2 karta  at kasama na sa listahan ng mga Pinoy champion tulad nina Pacquiao, Nonito Donaire Jr., at Jerwin Ancajas.

Iginiit naman ni Monis na malayo ang mararating ni Taduran bunsod na rin ng kababaan ng loob nito at pananalig sa Maykapal.

“Masipag, masunurin at talagang determinadao siyang magworld champion. Kahit wala ngang laban, tuloy-tuloy lang siya sa ensayo. Mapagmahal sa pamilya at may takot sa Diyos,” sambit ni Monis.

Bilang patotoo, ang malaking bahagi ng pinanalunang US$8,000 (P500,000) premyo ay ipinangpagawa ni Taduran sa sira-sira nilang bahay sa Albay.

“Butas-butas na po ang bubong ng bahay ng mga Magulanbg ko at kapatid sa probinsiya., Para s akanila po ang panalo at tagumpay ko,” ayon kay Taduran.