MANANATILING Kapamilya si Jessy Mendiola. Ito ang paglilinaw ng dalaga sa ginanap na Sandugo mediacon nitong Martes ng gabi.
Ilang beses na-blind item ang aktres na lilipat na siya sa Kapuso network dahil sa kawalan ng projects at ang huling teleserye niya ay You’re My Home na umere noong Nobyembre 2015 at nagtapos ng Marso 2016. Pero nakapag-guest naman siya sa FPJ’s Ang Probinsyano noong Marso 2018.
At simula noon ay wala nang balita kay Jessy maliban sa nakikitang post nito sa social media na nagta-travel at nagi-gym kasama ang boyfriend na si Luis Manzano.
Kaya naman sa nasabing Sandugo mediacon ay nabanggit ng aktres na masaya siya ngayon dahil sa bago nitong project dahil gusto niya ang role niya.
“Actually kaya ko rin po tinanggap ang role kasi feeling ko kaya hindi ako nabibigyan ng chance na patunayan ‘yung pag-arte ko kasi hindi ako nabibigyan ng kakaibang role.
“Hopefully po, sana mag-marka, there’s always a first time for everything kaya sana po mayroong maitulong, maiambag ang role ko rito sa soap na ito,” nakangiting paliwanag ni Jessy.
At sa mga panahong walang project si Jessy ay marami siyang realizations.
“I realized po na it’s very important to give balance in your life. Pag may pagkakataon na feeling mo hindi ka na nagkakaroon ng passion, hindi ka na nagkakaroon ng excitement kapag tumatanggap ka ng project, might as well huwag ka na lang tumanggap kasi po you won’t be able to give your 100%.
“So, it would be really unfair for sa mg aka-trabaho mo or sa mga bosses or sa production na anu-ano (chillax) ka lang kasi gusto mo lang kumita. Para sa akin po at this point, I really feel that as long as it excites me, as long as I have something to prove to myself to, gusto ko pong tumanggap ng maraming-maraming magkakaibang role,” malinaw na pahayag ng aktres.
Sa madaling salita, mananatiling Kapamilya pa rin si Jessy Mediola, “yeah, of course! I’m very thankful po na nabigyan ako ng role at show po ulit. Marami naman pong ibinibigay na sa aking show, pero ako mismo sa sarili ko ang nagsasabing hindi pa ako ready and that would be really unfair to the people na nagbibigay sa akin ng trabaho.
“Ayoko pong gumawa ng role tapos magiging mala-mala lang, 50% lang. Kaya po I promised po this time, I think and I feel that I’m really having fun with my character. So, ito 200% po ito.”
Isa si Jessy sa may magandang mukha sa showbiz at leading lady material naman talaga kaya marami rin ang nagtaka kung bakit matagal siyang walang project at nabigyan na niya ito ng linaw na siya rin pala ang may gusto na mamahinga sandali dahil hindi pa siya handang mag-trabaho muli pagkatapos ng You’re My Home at FPJ’s Ang Probinsyano.
Anyway, mapapanood na ang Sandugo sa Kapamilya Gold simula ngayong Lunes, Setyembre 30, kasama sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica bilang magkakambal na magiging mortal na magkaaway at suportado sila nina Vina Morales, Ariel Rivera, Gardo Versoza, Elisse Joson, Jessy, at Cherry Pie Picache.
Kasama rin sa Sandugo sina Arlene Muhlach, Cogie Domingo, Dido Dela Paz, Jeric Raval, Maika Rivera, Mark Lapid, Nanding Josef, Ali Abinal, Reign Parani, Karina Bautista, Aljon Mendoza, at Ogie Diaz.
Ang Sandugo ay mula sa direksyon nina Darnel Joy R. Villaflor at Ram T
-REGGEE BONOAN