PARA kay International Master Angelo Young, hindi pa huli ang lahat para makamtan ang matagal nang pangarap na maging Grandmaster.
Matapos ang 27 taong pakikipagsapalaran sa Amerika, nagbalik-bayan si Young at hindi nabigo sa kanyang desisyon na habulin ang matagal nang pangarap.
Matapos manalo sa 2019 National Senior chess championship, sasabak ang 55-anyos na si Young sa World Senior Championship sa Hungary kung saan naghihintay ang kanyang hinahanap na GM title.
“After 27 long years in Chicago. I returned to the country last year to pursue my dream of becoming a grandmaster. Dito sa World Senioes, outright GM title ang nakataya, kaya pipilitin kong manalo,” pahayag ni Young sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
“I was champion in Illinois for eight years. I played against some of the best American players there. I taught chess to hundreds of students through my Touch Move Chess Club in Chicago. But I know I will never become a GM there.,” aniya sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.
Tinanghal na national junior champion noong 1982 si Young bago napagdesisyunan na mangibang-bayan at sa US ay nagtatag siya ng Chess Academy.
Ngunit, ang paghahangad sa GM title ay nanaantili sa kanyang puso.
“8-time Illinois championa ko pero hindi ako puwedeng maglaro para sa US Team, kaya sabi ko balik ako sa Pilipinas para to pursue my dream,” aniya.
“I can earn an outright GM title with a victory in Romania, so I am taking my chances there,” pahayag ni Young, coach ng Emilio Aguinaldo College chess team sa NCAA.
“Magagaling din ang mga players na kasali dun, but we have a chance. Maganda naman ang kundisyon ko.But first I have to worry about getting there in Bucharest. Masyado malaki ang gastos,” aniya.