PINASINAYAAN ng mga opisyal sa Burauen, Leyte nitong Lunes ang bagong P5.63 milyong hanging bridge na pinondohan ng provincial government, na inaasahang magsisiguro sa ligtas na pagtawid ng mga residente ng liblib na bayan ng Kagbana tuwing may masamang panahon.
“Crossing the Marabong River is now safe that we have this hanging bridge. It’s hard to imagine how hard our lives were every time it rains as floodwater rises to about three-meter high,” pahayag ni Kapitan Rogelio Gloria.
Para sa mga mamamayan ng Kagbana, ang bagong hanging bridge ay sisimbolo sa isang persepsyon ng mas magandang kinabukasan. Ang nasa 300 residente ay araw-araw humaharap sa panganib sa panahon ng tag-ulan, tulad ng kakulangan sa pagkain, kanselasyon ng klase at ma-stranded.
Dumalo si Gloria sa inagurasyon ng tulay sa pangunguna ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla at Burauen town Mayor Juanito Renomeron.
Inalala ng Punong Barangay na minsan ay kailangang sunspendihin ng ilang araw ang klase dahil hindi makatawid ang mga guro sa ilog matapos ang araw na walang pasok.
Nauubusan din ng mga tindang pagkain ang mga sari-sari store at mga tahanan, na dahilan upang walang magawa ang mga residente kung hindi kumain ng kanilang mga pananim na mga halamang ugat.
Kinakailangan pang mag-intay ng mga magsasaka ng abaka at niyog ng ilang oras o araw hanggang sa humupa na ang baha bago nila dalhin ang kanilang mga produkto sa mga negosyante sa kalapit na bayan ng San Vicente.
Ayon kay Mary Jane Amat, isang pampublikong guro sa Kagbana, mas mahihikayat mga bata ipagpatuloy ang pag-aaral ng sekondarya at kahit pa kolehiyo dahil sa hindi na nila kailangan pang tawirin ang ilog na singlalim ng dibdib.
“When I studied high school and tertiary education, I just came home once a month because it was so inconvenient to get here. We had to walk for three to four hours across mountains and rivers,” pag-aalala ni Amat.
Siya ang pinakauna at tanging mayroong natapos sa kanilang pamayanan, nakapagtapos siya ng kursong elementary education sa Leyte Normal University sa Tacloban City noong 2009.
Inihayag ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla na dedikado ang provincial government na bubuksan ang mga kalsada patungo sa pamayanan.
Gumastos na ang provincial government ng mahigit P30 milyon upang mapaunlad ang lugar, kabilang na ang livelihood assistance.
Karagdagan pang P20 milyon para sa mga pipeline para sa road opening at pagsesemento.
Itinutulak din ni Petilla ang P180 milyong pagpopondo mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process para sa pagpapagawa ng 10-kilometrong sementong kalsada mula San Vicente papuntang Kagbana.
Itinuturing ang Kagbana, na halos 40 kilometro mula sa bayan ng Burauen, na pinakaliblib na bayan sa Leyte. Mayroong 300 residete, 25 hanggang 30 dito ay kabilang sa tribong Mamanwa na tumira sa pamayanan noong 1980.
Upang makapunta sa Kagbana, kailangan mong sumakay ng isang oras na biyahe ng motorsiklo papuntang bayan ng San Vicente sa kalapit na bayan ng Macarthur at maglakad ng halos 2 oras para tumawid ng mga bundok at ilog. Nasa P120 ang pamasahe mula Burauen hanggang San Vicente.
Inihayag ng Philippine Army 78th Infantry Battalion na ang pamyanan ay dating istratehikong base ng New People’s Army, dahil na rin sa lapit nito sa lungsod ng Baybay at Ormoc.
PNA