TODAY, September 25, huhusgahan na ang komedyanteng si Super Tekla, na tinaguriang GMA’s Breakout Comedian. Opening today in cinemas nationwide ang launching movie ni Super Tekla kung saan gumaganap siyang conjoined twins bilang sina Kiko En Tekla. Si Kiko ang tough at masculine twin, samantalang si Lala ay ang outspoken and witty gay twin. Dahil sa kanilang kondisyon, nagtrabaho sila sa isang karnabal, ang “Kambal Karnibal.” Bakit na-delay ang showing ng kanilang movie na dinirek ng multi-awarded director, si Adolf Alix, Jr.?

Super Tekla Kiko en Lala

“Medyo nga po na-delay dahil pinolish namin, pinaganda ang finished product,” sagot ni Super Tekla. “Saka sumunod kami sa policy ng mga sinehan ngayon na kapag hindi ka tapos sa date of release, maghihintay ka ng two months, at ganoon nga ang ginawa ni Direk Adolf at ng producer namin, ang Backyard Productions, kaya nagkaroon kami ng chance na malinis talaga ang pelikula.”

Kasama ni Super Tekla sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Jo Berry, Kiray Celis, Divine Tetay at may special participation ni Ai Ai delas Alas. Bakit hindi kasama si Boobay, ang kanyang co-host sa The Boobay And Tekla Show?

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

“Si Boobay po ang taong napaka-low profile, ang bait! Sobrang friend siya ng lahat. Sa work, sobrang bait, sobrang sipag. Friends kami, pero never pa kaming gumimik o rumampa na magkasama. After work kasi, kanya-kanya na kami ng mundo. Close kami sa set, sobrang close, kahit sa trabaho sa bar magkasama kaming nagpi-perform every night, wala kaming insecurity sa pagitan namin. Gusto namin siyang i-guest kaya lamang hindi naayos ang schedule niya.”

Ayaw namang patulan ni Super Tekla ang issue tungkol sa paggamit ng comfort room ng mga cross-dresser, transgender. Mas marami raw importanteng bagay na dapat bigyan ng importansiya, hindi iyon. Basta siya kahit naka-bihis babae, sa CR ng lalaki pumapasok, wala raw siyang pakialam kapag tinitingnan siya ng mga lalaki, lalaki naman siya talaga. Sino sa kanya ang talagang pogi, si Kuya Jose Manalo raw.

“Syempre joke lamang iyon, ang guwapo ang kaibigan ko si Alden (Richards), si Pambansang Bae. Sa babae naman, si Kris Bernal, ang ideal girl ko. Gandang-ganda rin ako kay Jennylyn Mercado at bagay na bagay sila ni Dennis Trillo,” dagdag pa ni Super Tekla na isang straight guy, trabaho lamang ang pagiging Super Tekla niya. “Pero ang gusto ko talagang pasalamatan si Kuya Wil (Willie Revillame) dahil walang Super Tekla kung hindi siya nakita ni Kuya Wil. Sana panoorin niya ang movie ko.”

-Nora V. Calderon