Muling ginapi ng defending champion San Beda University ang San Sebastian College-Recoletos, 91-73, para sa kanilang ika-13 sunod na panalo kahapon sa NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament.

Sumiklab ang laro ni James Canlas na nagposte ng 20 puntos,5 assists at 4 rebounds na sinabayan pa ni AC Soberano na nagdagdag ng 14 puntos para sa nasabing panalo ng Red Lions.

I salute the players for this. They showed what they are capable of,” pahayag ni SBU coach Boyet Fernandez sa ipinakitang laro ng kanyang mga players.

Ang sinimulan ni Canlas ay tinapos naman ni Evan Nelle nang iposte nito ang 9 sa kanyang kabuuang 11 puntos at 3 sa kanyang 7 assists bukod pa sa 5 rebounds sa huling 9 na minuto ng laro nang makadikit ang Stags at ibaba ang bentahe nila sa 9 na puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag din sina Donald Tankoua at Calvin Oftana sa nasabing panalo, ang una na may 18 puntos at 7 rebounds at ang huli na may 15 puntos, 8 rebounds, at 4 assists.

“Calvin was the best player for me, but James, Evan, Donald, and Clint [Doliguez] also played well,” dagdag pa ni Fernandez.

Dahil naman sa kabiguan, bumagsak ang Stags na pinamunuan ni RK Ilagan na may 16 puntos, 3 assists at 3 rebounds sa ikalawang sunod na panalo na nagbaba sa kanila sa 7-5 na marka.

-Marivic Awitan