MARAMI nang nakaka-miss sa mahusay na actress na si Lovi Poe, tama pa lang ma-miss na siya ng mga fans niya dahil five months siyang nagbakasyon abroad. At pagbalik niya, una muna niyang ginawa mag-guest sa drama-action series na Beautiful Justice na nagtatampok kina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene, sa direksyon ni Mark Reyes. Bakit nagtagal ang kanyang bakasyon?

Lovi Poe Beautiful Justice

“I feel like I just needed to, siguro gusto ko namang bigyan ang sarili ko ng break,” sagot ni Lovi. “Pakiramdamm ko kasi, nagsimula na akong magtrabaho since I was fifteen, at simula noon wala na akong ginawa kundi magtrabaho, kaya naisip kong bigyan ang sarili ko ng time, nagpunta ako ng Los Angeles, at i-replenish ang sarili ko at bigyan din ng oras na madagdagan ang kaalaman ko sa aking craft habang nasa ibang bansa ako.”

Kumuha ng acting lessons si Lovi sa iba’t ibang acting coaches, hindi siya pumasok ng school, madalas one-on-one sa acting coach na kasama niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Isinabay ko na rin matuto to live independently. Kahit naman dito, at 19, I live independently na pero may mga kasama pa rin ako sa bahay na nag-aasikaso ng lahat para sa akin. Doon, I live alone, ako ang gumagawa ng lahat, at ang gandang experience iyon sa akin.”

Napangiti si Lovi nang sabihin sa kanyang ang unang makakatikim ng natutunan niya sa mga acting coaches niya ay ang Beautiful Justice.

“Ayaw kong i-preempt kung ano ang role na gagampanan ko sa “Beautiful Justice,” kaya sana po ay subaybayan ninyo dahil nagsimula na akong magpakita sa eksena. Ano ang magiging kaugnayan niya kina Alice (Yasmien), Brie (Gabbi), Kitkat (Bea) at Vin (Gil Cuerva).

After ng “Beautiful Justice,” may inaayos na ring bagong teleserye ang manager niyang si Leo Dominguez sa GMA Network na muli niyang makakasama si Rhian Ramos. Last nilang magkasama ni Rhian sa The One That Got Away.

Ang Beautiful Justice ay napapanood gabi-gabi after ng 24Oras.

-Nora V. Calderon