INANUNSYO ni Mayor Evelio Leonardia na ang 40th MassKara Festival na magbubukas na sa Oktubre 7, isang araw na mas maaga sa orihinal na petsa nitong Oktubre 8.
“Last night (Linggo), I talked to festival director Eli Francis Tajanlangit and we agreed to adjust the opening day,” pagkumpirma ni Leonardia sa isang press conference nitong Lunes.
Inihayag nito na ginawa ang pag-uusod ng araw ay dahil sa pagdalo nito sa isang kaganapan sa Korean Embassy sa Oktubre 8.
Sa Setyembre 8, sa gitna ng countdown para sa Ruby Anniversary, inilahad ng alkalde na ang MassKara ngayong taon ay isang pagdiriwang “like no other”.
“This is a MassKara like no other even if we just simply think in terms of its being 40 years. This is a milestone, no doubt about that. (We have) seen MassKara metamorphose to what it is today,” dagdag pa nito.
May tema ang pagdiriwang ngayon na “Bacolod, City of Smiles”, na tatagal hanggang sa Oktubre 27.
Ilan pa sa mga katulong sa pagsasakatuparan ng pagdiriwang ay sina Councilor Israel Salanga, assistant festival director para sa festival sites; Rudy Reveche, pinuno ng street at arena dance competition; Ryan Saez, direktor ng Electric MassKara; Sonny Cabahug, pageant director ng Search for the Ruby MassKara Queen; digital artist Mark Lester Jarmin, na siyang gumawa ng 2019 festival logo; artist-photographer RJ Lacson, na siyang naglagay ng Ruby MassKara art installation; at filmmaker Claudia Diaz-Cojuangco, na gumagawa ng isang dokumentaryo sa mga mananayaw ng MassKara.
Sa Oktubre 26, may kabuuang bilang na 11 paaralan, kasama na ang 7 sa elementary category at 4 sa high school, ang sasali sa MassKara Street and Arena Dance Competition.
Sa elementary level, ang mga kasaping paaralan ay ang Banago Elementary School- I para sa District 1; Estefania Elementary School para sa District 2; Fr. Gratian Murray, AFSC Integrated School para sa District 3; Jose J. Gonzaga Elementary School para sa District 4; E. J. Garcia Elementary School para sa District 5; Education and Training Center School-III para sa District 6; at R.A. Medel Sr. Elementary School para sa District 7.
Ang mga kasali naman sa secondary category ay ang Domingo Lacson National High School para sa Unit 1, Angela Gonzaga National High School para sa Unit 2, Luisa Medel National High School para sa Unit 3, at M.G. Medalla Integrated School para sa Unit 4.
Para naman sa barangay competition sa Oktubre 27, 14 na pamayanan ang nagkumpirma din ng pagsali.
Ito ay ang Tangub, Banago, Bata, Handumanan, Esfenia, Barangay 40, 4, 12, 16, 3, 39, 32, 5, at 6.
PNA