POPONDOHAN ng pamahalaan ang pag-aaral ng nasa humigit-kumulang 44,475 science scholars sa susunod na taon, kasama rito ang 1,927 sa PhD at 4,264 naman sa Masters’ program – bilang parte ng “national talent pool the country needs to win the future,” pahayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto nitong Linggo.

Nasa P7.4 bilyon ang kailangan para matustusan ang mga mag-aaral sa 2020, kasama na ang bayad para sa matrikula, pamasahe, living at iba pang mga allowance ng mga iskolar, kasama na ang para sa operasyon ng Philippine Science High School (PSHS) at Science Education Institute (SEI), inihayag naman ni Recto na ito ay “not an expense but an investment with high returns to society.”

Isinama ang halagang ito sa Department of Science and Technology (DoST), na siyang nangangasiwa sa “menu of scholarships”, at nasa 1/3 ng proposed P20 bilyong budget para sa susunod na taon ay inilaan para rito.

Nakakalat sa iba’t ibang mga kurso sa ilalim ng STEM (science, technology, engineering, mathematics) ang mga iskolar.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kasama ng 6,191 doctorate at masteral students ang 28,900 undergraduate students at 9,384 estudyante sa 16 na kampus ng PSHS System.

“So this program covers high school education to the highest degree available,” ani Recto.

Binanggit ni Recto na ang bilang ng mga government PhD scholars ay “six times the membership of the House of Representatives and 80 times that of the Senate, and no doubt are more important for the country’s future.”

“This is so because we can only ‘science our way to the future.’ The problems we confront today, from health, to agriculture, to traffic, can only have science-based solutions,” dagdag pa ni Recto.

“We have to train the knowledge workers who will fix these, and the ones that would come after, including existential challenges, like climate change,” diin nito.

Ayon kay Recto, ang malaking tulong pinansyal ay “must be periodically adjusted to inflation,” na kasama ng scholarship upang makaakit pa ng pinakamagagaling at matatalino na piliin ang kursong STEM.

“Marami na tayong political scientists, pero kakaunti ang nasa data science May surplus na ng government administrators, pero ICT systems administrators kulang tayo,” pahayag nito.

Pinapatakbo ng dalawang ahensiya ang DoST scholarship program, ito ay ang SEI, na siyang humahawak sa lahat ng kolehiyo at graduate programs, na may proposed 2020 budget na P4.74 bilyon, at ang PSHS, na pinaglaaanan ng P2.6 bilyon.

Hiwalay ang DoST scholarships mula sa ibang mga government tertiary education financing program na kasama sa Universal Access to Quality Tertiary Education.

PNA