NAKATANGGAP ang nasa 2,535 magsasaka ng Pangasinan ng mahigit kumulang P5.076 milyong halaga ng makinarya at kagamitan para sa pagsasaka mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) 1 (Ilocos region), nitong Biyernes.
Inilahad ni engineer Leandro Caymo, direktor ng DAR-1, sa isang panayam na nitong Biyernes na ang mga makakatanggap ay mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at non-ARBs mula sa anim na distrito ng probinsya.
Ibinahagi sa mga magsasaka ang 5 cultivator/tiller na nagkakalahalaga ng P 1.3 milyon; 14 irrigation water pumps na nagkakahalaga ng P1.2 milyon; 1 4WD traktora na nagkakahalaga ng P1.2 milyon; at 5 rice transplanters na nagkakahalaga ng P1.1 milyon, ayon kay Caymo.
Isinagawa ang pamamahagi, ayon kay Caymo, sa ilalim ng climate-resilient farm productivity support program at agrarian reform community connectivity and economic support services project.
“The farmers are given the machinery and equipment for them to adopt or be resilient to the effects of climate change, such as the El Niño phenomenon among others, as we also wanted to lower the cost of their production by farm mechanization equipment,” ani Caymo.
Ayon kay Caymo, patapos na ang DAR sa pamamahagi ng mga lupa sa mga farmer-beneficiaries, kung kaya’t tumutututok na sila sa serbisyo at tulong sa mga ARBs.
“We only have 900 hectares left in Region 1 for distribution. Right now, we are into assisting our ARBs with legal needs and also with services to further enhance their production,”dagdag pa nito.
Sa kanyang talumpati sa mga magsasaka, nakiusap ito na alagaan at gamitin ang mga makinarya at kagamitang natanggap mula sa DAR.
Nagpasalamat naman si Isidro Soriano, 71, isang magsasaka, sa ipinagkaloob ng DAR.
“We are grateful because this will be a big help to us. It is really hard to find farm workers nowadays and it is also costly,” ani Soriano.
PNA