HUWEBES, Setyembre 19 nang makatanggap kami ng balitang kinasuhan ng Frustrated Murder ang aktor na si JM de Guzman base sa kumalat na blind item sa social media na may nakasulat pang, ‘sana nasa tabi niya ang ‘Pamilya Niya.’

JM

Ang tinutukoy na ‘Pamilya Niya’ ay ang teleseryeng Pamilya Ko na kasalukuyang umeere ngayon sa ABS-CBN bago mag-TV Patrol at umaani ng papuri sa netizens sa magandang pag ganap dito ng aktor kasama ang ibang cast sa pangunguna nina Sylvia Sanchez at Joey Marquez.

Kaagad naming tinext ang handler ni JM na si Ms Portia Dimla-Morales tungkol dito pero hindi kami sinagot.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ipinagtanggol naman si JM ng co-actors niya sa Pamilya ko sa pangunguna ni Sylvia bilang si Nanay Luz na sinabing, “sinend niya (JM) video sa akin, hindi niya s inakt an ( ‘yung nagdemanda).”

M a r a m i p a k ami n g i b a n g nakausap at iisa ang sinasabi, ‘hindi nanakit si JM, may proof naman.”

Nitong Setyembre 20 ay lumabas sa Abante Tonite ang diumano’y pambubugbog na ginawa ni JM at ng MMA fighter/ fitness coach na si George Castro kay Mr Zafra.

Ayon pa sa nasulat ay nagsimula ang lahat nang magpa-picture si Mr. Zafra at ang wife nito kay JM.

Narito naman ang official statement ng Star Magic na namamahala ng career ni JM mula sa mga abogado niyang sina. Atty. Louie Aseoche at Atty Juan Paolo Tumbali.

“On behalf of JM de Guzman, we would like to inform everyone that there are reports circulating that a certain Pitt Norman Zafra recently filed a complaint for Frustrated Murder against JM and another individual at the Office of City Prosecutor in Quezon City.

“In the Complaint-Affidavit of Mr. Zafra is actually a rehash of a previous complaint he filed for ‘Physical Injuries’ which he withdrew before the City Prosecutor Office in Quezon City, August 9, 2019. JM is surprised why Mr. Zafra would now want him to answer for a more serious charge under the same set of factual circumstances as the complaint that he withdrew last month.

“We believe that the proper venue where facts can be distilled from fiction would be before the Investigating Prosecutor in Quezon City, not in media. Since Mr. Zafra had already filed his complaint, it is most unfair of Mr. Zafra to preempt the proceedings by spreading negative publicity against JM when the Investigating Prosecutor of Quezon City still has to conduct a preliminary investigation on the charges.

“We are confident that JM has the necessary evidence, both testimonial and electronic to prove his innocence. JM will most certainly file counter charges against Mr. Zafra.”

-REGGEE BONOAN