KULANG ang halos dalawang oras na tsikahan sa DZMM anchors na sina Bro. Jun Banaag para sa programang Dr. Love Radio Show; Dra. Bles at Ur Serbis ni Dra. Bles Salvador; at Usapang de Campanilla nina Atty. Claire Castro at Mare Yao na ginanap sa Novotel, Araneta Center nitong Biyernes ng tanghali dahil maraming topics na napag-usapan.

BRO JUN

Game na game kasing sumagot ang mga nabanggit sa anumang isyung itinatanong sa kanila at ibinahagi rin nila ang mga personal nilang experiences.

Nauna na si Bro Jun na napapakinggan gabi-gabi sa Dr. Love tuwing 11:00 ng gabi hanggang 1:00 ng madaling araw, mula Lunes hanggang Biyernes.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi namin ma syadong nasusubaybayan ang kanyang programa kaya maraming nagulat sa mga imbitadong entertainment press at bloggers sa sinabi niyang philandering husband siya at iniwan niya ang pamilya niya sa loob ng sampung taon ay tumira sa Amerika kasama ang ibang babae.

Ang pagtatapat ni Bro Jun, “I left my family for another woman (nabigla ang lahat at natawa rin ang dzmm anchor sa reaksiyon) and I lived in the States for 10 years, so I was a philandering husband, Was! After 10 years I came back, that was 1997.”

At inalok siya sa Radio Veritas ng programang tungkol sa counselling, “ano kinalaman ko sa counselling, sabi sa akin, ‘marami ka ng katarantaduhang ginawa sa buhay mo!’

“The design was designed for the kabataan na magsyo-syota na may LQ (lover’s quarrel) and it ended up like public service. May matatanda na humihingi ng tulong (pangkabuhayan) at tinutulungan ko naman, may bulag na batang gustong magkaroon ng colored television na binilhan ko pa rin.

“Two years after, I left Radio Veritas and I got offer from DZMM, so nagtuluy-tuloy na ang programa. Ngayon ang majority na nakikinig sa aking programa ay mas matatanda na, as old as 94, 97 years old. May mga batang toddler, 5-6 years old maybe influenced ng magulang, so all through the years hindi lang po counselling. The program also evolves spiritual advices. The program also pinag-uusapan ang mainit na isyu like divorce. Binibigyan din po namin ng liwanag both sides, of course the program leaning keeping the family.

“Maraming problema ang tinatalakay ng program, but at the end of the day masaya kami ng EP (executive producer) ko dahil nakatulong kami. Hindi man kami nakatulong financially, nabigyan namin ng konting kapayapaan siguro ‘yung tumawag na humingi ng tulong.”

Samantala, hiningan ng opinyon si Bro Jun tungkol sa isinusulong na Sogie Bill o The Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill na mainit na talakayan ngayon.

Aniya, “Personal to ha, walang kinalaman ang management (ABS-CBN). May mga punto sa SOGIE bill na sa tingin ko ay mahihirapang ipasa dahil maraming taong maapektuhan. May mga punto rin na makatutulong sa, people who claimed to be part of the LGBTQUIA plus.

“Kung ano ang tatanungin n’yo, hindi na kailangan! Kasi po ‘yung mga LGBTQIA plus, mga tao rin ‘yan na katulad natin na mayroon tayong human rights, constitutional rights that protects us.

“It’s just that I cannot comprehend why a man who thinks he is a woman would use the comfort room of a woman? Sa isang taong katulad ko na ang asawa ko ay nakabuyangyang ang kanyang ari ro’n sa comfort room ng babae is because kanilang lugar ‘yun.

“Pero pag pinasok ng lalaki ‘yan kahit nakadamit babae ‘yan, lalaki pa rin ‘yang tinamaan ng kulog. May lawit ‘yan, mao-offend ang wife ko! And because she is my wife and part of my being, mao-offend din ako!

“I agree with Ricky Reyes, I did not know him personally sa stand niyang, ‘lumagay tayo sa ating dapat kalagyan.’

“Kung gusto mong magdamit babae, itsurang babae, transgender/ transwoman, karapatan mo ‘yan, pero matutuhan mong harapin ang consquences.

“Aminin natin sa Pilipinas, hindi pa tayo masyadong exposed sa ganito. Doon sa amin sa Amerika, sa San Francisco paggabi sa mga kanto-kanto makikita mo dalawang lalaki naghahalikan, walang kuwenta ‘yan kasi iba ang kultura ro’n. Sa Pilipinas hindi pa.

“So gusto mong magdamit babae, mag make-up ka, okay lang karapatan mo ‘yan, pero maging handa ka sa consequence.

“Kung tingnan ka ng kapwa mo kung papasok ka sa restroom ng lalaki at ikaw ay lalaki nakadamit babae, kung tiningnan ka kapwa mo lalaki na hindi maganda ang tingin, dapat handa ka.

“Sabi nga ni Ricky Reyes, nakadamit babae ka, gusto mong gumamit ng restroom ng babae dahil feeling mo babae ka. Pag nakalusot ka, fine! Pag hinarang ka, lumabas ka na, unless mayroon kang gustong i-push at gusto mong lumaki ang isyu. My personal point of view is, I respect them!” mahabang paliwanag ni dr. Love.”

-Reggee Bonoan