NANINIWALA si triathlon champion Maria Claire Adorna na magiging matagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa darating na 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre 30 hanggang isyembre. 11.

ador

Kumpiyansa si Adorna, sa harap ng mga kababayan, na muling madodomina ang triathlon na tulad ng ginawa nila sa Singapore may dalawang taon na ang nakalilipas.

“Tiwala po ako sa kakayahan ng ating triathlon team, at sa liderato ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco,”pahayag ni Adorna sa kanyang unang pagdalo kahapon sa 40th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Kayang-kayang natin manalo, lalo na dito sa atin gagawin ang SEA Games,” dugtong pa ng 26-taong-gulang na si Adorna, nagwagi ng gold medal sa 2015 SEA Games at silver medal sa 2017 SEA Games sa Malaysia.

Ang pahayag ni Adorna sa naturang weekly session na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ay umayon sa mga naunang pahayag ni Carrasco na masusungkit ng mga PiIipino ang apat hangang anim na gold medals sa darating na SEA Games.

Inamin ni Adorna na mabigat kalaban ang Malaysia at Singapore.

“Sa tingin ko, mahigpit pa din nating kalaban ang Malaysia at Singapore,” saad ni Adorna, na nakatakda ding lumahok sa darating na World Beach Games sa Doha, Qatar simula Oktubre 11 at Asian Cup sa Jordan sa susunod na buwan.

Ipinahayag ni Adorna na kailangan niya at iba pang mga triathletes na lumahok sa mga madaming kumpetisyon upang madagdagan ang kanilang ranking points na magsisilbing ticket sa Tokyo Olympics sa 2020.

“Sa pamamagitan ng TOPS, nananawagan ako ngayon ng suporta at dalangin sa ating mga kababayan, hindi lamang para sa aming triathlon team kundi para sa buong Team Pilipinas. Suportahan nyo po kami lahat sa SEA Games,” panawagan ni Adorna sa linguhang forum na ipinalabas sa Facebook sa pamamagitan ng Glittrer Livestream.

Nakasama ni Adorna sa session si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra at si Philippine Arm Wrestling Federation president Arniel Gutierrez at mga atleta ng bagong sports sa bansa.