NAGLAAN ng P10 milyon ang South Cotabato provincial government upang bilin ang mga palay mula sa mga magsasaka ng probinsya sa gitna ng bumabagsak na presyo nito sa merkado.

Inihayag ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. nitong Miyerkules na pinaplantsa na nila ang kaagad na pagpapalabas ng pondo upang makatulong, lalo na ngayong panahon ng anihan ng palay, na inaasahang dadagsa sa susunod na dalawang Linggo.

Pinangalanang “palay support fund,” inilahad ni Tamayo na inendorse na nila ang usaping ito sa provincial board bilang parte ng supplemental budget.

“We will start buying palay directly from our farmers at PHP19 a kilo once the funds are already available,” pahayag nito sa mga mamamahayag.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pinakamataas din sa bansa ang presyo ng probinsya sa pagbili ng mga bagong aning palay ayon sa gobernador, dagdag pa nito, mamahagi ang Kapitolyo ng identification cards sa mga target na mabenepisyuhan upang makasiguradong ang mga tunay na magsasaka lang ang makinabang sa proyekto.

Ayon kay Tamayo, ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) ang magtatakda ng alituntunin kung kailan at saan ilalagay ang mga buying station.

Inilahad ni OPAG chief Justina Navarrete na magpapatupad ng isang scheme ang OPAG, sa pakikipagtulungan sa city at municipal agriculture offices.

Gagamitin ng provincial government ang nabiling palay para sa mga provincial jail, provincial hospital at sa rollout ng food-for-work programs, ani Navarrete.

“We have budgets for these so the funds will be rolled in the process to accommodate more farmers,” pahayag ni Navarrete.

Ayon kay Navarrete ang commercial buying price para sa basing palay ay nasa pagitan ng P12 hanggang P14 kada kilo, depende sa klase.

Dagdag pa nito, nasa 32,000 ektaryang palayan ang inaasahang aanihin sa mga susunod na linggo, na tinatayang aabot ng 117,000 metriko tonelada

PNA