NITONG mga nakaraang linggo, isang kontrobersiyal na isyu hinggil sa pagpapalaya ng mga bilanggo sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law (RA 10592), ang lumikha ng isang kaguluhan. Makalipas lamang ang magdamag, bigla na lamang naging mga eksperto sa batas ang mga ahensiya at mga indibiduwal na sangkot at kanya-kanya ang pambabatikos sa argumento ng bawat isa.
Ang masaklap, maraming mahalagang katanungan na bumabalot sa interpretasyon ng ating batas ang napabayaan lamang, na lumilikha ng impresyong nakasalig lamang ang ating mga tagapagtanggol ng batas sa liwanag ng publisidad sa halip na ayusin ang problema.
Nakalulungkot pa rito, ang mga pagdinig sa Kongreso na dapat sanang magbubunyag sa ugat ng problema at makatutulong sa paglutas nito, ay lalo lamang nagpalala sa magulong sitwasyon. Nagpapaligsahan ang mga mambabatas sa isa’t isa na nais lamang makakuha ng atensiyon, kahit pa minsan ay walang katiyakan kung ang kanilang detalyeng nakukuha sa mga pagdinig ay makatutulong nga sa problema.
Ang mga komplikasyon sa ating batas, na tanging Korte Suprema lamang ang may kapangyarihan na umintindi at malinaw na magpaliwanag, ay hindi lamang isang pag-aapura na kung paano binuo ng Kongreso ang ating mga batas. Sa katunayan, ang ubod ng isyu kung bakit mahirap maunawaan ang ating mga batas ay ang pagkabigo ng lehislasyon na gumamit ng isang madaling maunawaan na pahayag at wika.
Dahil sa komplikasyon na nagpapalabo lamang sa tunay na layunin ng isang batas, kalimitang nagreresulta ang paghahanda ng implementing rules and regulation (IRR) ng higit na kalabuan. Ito ang kaso ng RA 10592, na una nang inilirawan ng justice secretary sa pagdinig ng kongreso.
Ang teknikal na wika (legalese) o mga salitang ginagamit sa pagbuo ng ating mga batas ay ‘di nagpapahintulot sa mga ordinaryong tao, kahit pa iyong wika nga, ay tapos ng kolehiyo, na madaling maunawaan ang mga batas na makaaapekto sa kanilang pamumuhay.
Bagamat tinatanggap natin na may mga panuntunang sinusunod sa pagpapatupad ng batas, ang gawing simple ang pagkakabuo ng mga batas ay magpapahintulot sa mga mamamayan na maunawaan ito ng lubusan nang hindi na kailangan pang dumaan sa magulong remedyo ng pagtatanong sa korte upang ipaliwanag pa ito sa atin, na kalimitan namang umuubos ng panahon.
Ang batas ay para sa paggamit ng publiko, hindi lamang para sa ekslusibong kaalaman ng mga abugado. Dapat itong binubuo sa paraang madali nating mauunawaan, bagamat tila may nananatiling pag-angal upang mawakasan ito sa kabila nang mga una nang pagsisikap ng ilang abugado na masolusyunan ang isyu. Hangga’t hindi natin muling itinataas ang hakbang na ito, manananatiling para lamang sa ekslusibong paggamit ng mga matatalinong abugado ang ating batas, na madalas nababago ang kahulugan.
-Johnny Dayang