WALANG tigil ang pangigigil ng National University Lady Bulldogs.

Nanatiling imakulada ang marka ng defending champion matapos ang limang laro sa UAAP Season 82 nang ngatain ang University of the Philippines Lady Maroons kahapon sa MOA Arena.

Muling namuno si Jack Animam na may 16 puntos at 12 rebounds para sa NU na kumabig sa ika-85 sunod na panalo sa kabuuan ng kampanya sa premyadong collegiate league sa nakalipa sna tatlong taon. Nag-ambag si Rhena Itesi ng 11 puntos at siyam na rebounds.

Ikinatuwa naman ni Lady Bulldogs head coach Patrick Aquino ang pagkakataong maipasok ang kanyang second hanggang third stringers sa laban.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I told them earlier that those people that are having less playing time have to show up. It’s in preparation for something better for the next few games,” ani Aquino. Hindi naman sinayang ng second at third stringers ng Lady Bulldogs ang pagkakataon dahil lahat sila ay umiskor sa pangunguna ni Melody Cac na tumapos na may 13 puntos.

-Marivic Awitan

Iskor:

NU (105) - Animam 16, Cac 13, Clarin 11, Itesi 11, Pingol 10, Fabruada 7, Bartolo 6, Supada 6, Canuto 5, Hayes 5, Cacho 4, Harada 4, Goto 3, Del Carmen 2, Dimaunahan 2.

UP (53) - Sanchez 21, Pesquera 15, Larrosa 7, Hidalgo 5, Rivera 3, Gonzales 2, De Leon 0, Gusilatar 0, Lucman 0, Taulava 0.

Quarterscores: 33-14, 62-19, 81-36, 105-53