ISANG run-for a-cause ang ikakasa sa farm tourism destination sa Puerto Princesa City bilang ayuda sa mga magsasakang dumaranas ng mababang presyo ng palay.

farmer

Layunin ng nasabing fun run na bilhin ang mga palay ng mga magsasaka ng Narra, Palawan nang mas mataas sa farm gate price at ibalik din sa kanila.

Ang run for a cause ay inorganisa ng Yamang Bukid Farm-Palawan sa Setyembre 28.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang “Takbo para sa mga Magsasaka (Run for the Farmers)”, ay five-kilometer run na naglalayon ding makalikom ng pondo upang iayuda sa ilang n o n - g o v e r n m e n t organization at grupo ng mga magsasaka sa Palawan.

“This is for the farmers all over the Philippines. We have been running for other causes but we haven’t had one for our farmers who have toiled so much so we can put food on our tables,” pahayag ni Hope Alas, tourism officer ng Yamang Bukid Farm.

Ang fun run ay pakikiisa na rin sa Yamang Bukid Farm’s 5th Agros Farmers’ Festival na gagawin sa Barangay Bacungan sa Setyembre 28.

Ang kikitain ng event ay ibibigay sa Palawan Center for Appropriate Rural Technology (PCART), ang farmers’ association sa southern town ng Narra.

Ang 42-hectare tourism destination sa Barangay Bacungan ay kilala na sa pag-employ ng mga dating illegal loggers

bilang kanilang farm workers, at tinuturuan din sila ng sustainable agriculture and environmental protection and conservation.

Ang fun run ay magsisimula sa Bacungan proper hanggang sa Yamang Bukid Farm sa Purok (Community) Candes III.

Ang fun run ticket ay nagkakahalaga ng P350, kasama na ang singlet at race bib at bukas sa kahit sinong gustong sumama sa event.

Para sa mga nais makiisa, maaring tumawag sa 0907-237-7258 o 0967-544-3928 at mag-email sa [email protected].