WALA pang naitatalang kaso ng African swine flu sa rehiyon ng Eastern Visayas ng African swine fever (ASF), dahilan upang magdoble trabaho ang mga awtoridad upang hindi makapasok ang sakit na nagbabanta sa industriya ng pagbababoy sa bansa. Ayon sa mga field reports at blood sample test results, inihayag ni Department of Agriculture (DA) 8 (Eastern Visayas) Assistant Director Elvira Torres nitong Lunes na wala pa ring ulat ng lubhang nakakahawang sakit ng mga baboy sa rehiyon.
Noong nakaraang linggo, nangolekta ang mga local agriculture workers ng blood samples mula sa mga baboy na inaalagaan sa Ormoc City, Leyte at Las Navas, Northern Samar matapos iulat ng mga nag-aalaga na ilan sa kanilang mga baboy ay namatay matapos magkaroon ng sintomas ng katulad ng sa ASF.
Matapos ang mabusising pagsusuri at laboratory analysis, ang dahilan pala nito ay isang karaniwan ng respiratory disease sa mga baboy, ayon sa inilabas na ulat ng DA-8 nitong Lunes.
“We ask hog raisers to report to (the) DA or local government units if their hogs manifest ASF-like symptoms for us to immediately check the health status of their swine,” pahayag ni Torres sa Philippine News Agency (PNA).
“The region has been free of ASF. The public should not worry about consuming pork meat, especially that ASF-infected meat does not pose health risks to humans,” dagdag pa nito.
Maging si Executive director ng DA-8, Milo delos Reyes, ay nanawagan sa ASF inter-agency task force na wag maging kampante at magsagawa ng aktibong hakbang, tulad ng palagiang pagpapasa ng incident reports at pagdaragdag mg mga tauhan upang makatulong sa bawat lugar.
Pinalakas na rin ng awtoridad ang kanilang pagmamasid sa mga pantalan ng Northern Samar, na kinikilala bilang point of entry ng mga baboy na galing Luzon, maging ang iba pang mga pangunahing seaports at airports.
Mula Enero hanggang Hunyo, nasa 9,000 baboy ang pinadala mula Luzon sa Eastern Visayas, ayon kay Torres. Karamihan sa karneng baboy ng rehiyon ay galing sa mga rehiyon mismo at sa General Santos City.
Nangangailangan ang rehiyon ng nasa 200,000 baboy kada taon, ayon sa DA. Noong 2018, nakapaglabas ang local swine industry ng rehiyon ng 77,972 metrikong tonelada ng buhay na baboy na iniulat ng Philippine Statistics Authority.
PNA