TUTULAK ang Estavillo Cup FIDE rated Open tatluhan team tournament (2100 average rating) sa Oktubre 6 sa Robinsons Imus, Cavite.

“Each team composed of three players must only have an average rating of 2100,” sabi ni Philippine chess coach Ederwin Estavillo.

Ipapatupad ang Six (6) o Seven(7) Rounds Swiss System na may allotted time 20 Minutes + 5 Seconds Delay Mode.

“At least 40 teams expected to join,” dagdag pa ni Estavillo.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakalaan sa magkakampeon na koponan ang P17,000 plus trophy. Ang second placer ay magsusubi ng P10,000 plus trophy, ang third ay P6,000 plus trophy, fourth ay P3,000 at ang fifth ay P2,000.

Ang Early Registration fee ay P 1,500 habang ang On-site registration fee ay P 1,800.

Inorganisa ni Coach Ederwin Estavilloang torneo sa pakikipagtulungan ng CEFAG- Chess Education For Age-Group at sanctioned ng NCFP-National Chess Federation of the Philippines.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kina Coach Ederwin Estavillo @ 09067302836, NA Boyet Tardecilla @ 0917-1435999 at NA Israel Landicho @ 0975-4432302.