SA ikawalong pagkakataon, titindigan ni Jerwin Ancajas ang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight crowd, kontra Mexican Jonathan Rodriguez sa Nobyembre 2 sa Dignity Health Sports Park (dating StubHub Center) sa Carson, California.

ANCAJAS: Dedepensa sa US

ANCAJAS: Dedepensa sa US

Nakamit ni Ancajas ang korona noong 2016 at matagumpay niya itong nadepensahan, sapat para tanghaling ‘longest reigning Filipino world champion.

Kasalukuyang Ranked No.14 sa IBF’s 115-lb class, tangan ni Rodriguez ang 21-1 marka, tampok ang 15 KOs. Sakaling manalo kay Ancajas, ito ang kauna-unahang titutlo para sa Mexican fighter.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Galing si Ancajas, tangan ang 31-1-2 marka na may 21 KOs, sa impresibong TKO win kontra mandatory challenger Ryuichi Funai ng Japan nitong Mayo sa Stockton, California.

Bukod kay Ancajas, ang tanging Pinoy world champion sa kasalukuyan ay sina Manny Pacquiao, Nonito Donaire at bagong kampeon na si Pedro Taduran.

Posibleng madagdagan ito depende sa resulta ng laban ni John Riel Casimero kontra WBO bantamweight champion Zolani Tete sa Nov. 23 sa London, gayundin ang panalo ni Donaire kay Japanese KO king Naoya Inoue para sa WBA-IBF bantam clash sa Nov. 7 sa Saitama.

Nasa pangangasiwa ni boxing hall-of-famer promoter na si Bob Arum ng Top Rank Inc. si Ancajas na kasalukuyang nagsasanay kasam ni Joven Jimenez sa Philippine Marines base camp sa San Antonio, Zambales.

Inaaayos na ni MP Promotions president Sean Gibbons ang itinerary nina Ancajas at Jimenez at posibleng makaalis sila sa Oct. 12 o Oct. 19 patungong Los Angeles

-Nick Giongco