MARAMI ang natuwa kay Xian Lim nang buhatin ang GF na si Kim Chiu dahil hirap makababa sa stairs ng Shangri-La The Fort kung saan, ginanap ang ABS-CBN Ball. Hirap makalakad si Kim dahil sa design ng gown at kung hihintayin pa siya ni Xian na makababa, aabutin sila ng hatinggabi.

Ang ginawa ni Xian, binuhat si Kim, ayun mabilis silang nakababa, kaya lang, halatang nahirapan din si Xian dahil pagkababa niya kay Kim, narinig ang comment na “Ha!” na parang pagod at nabigatan.

Pero ang KimXi fans, kinilig sa kanilang nakita at kung paano ingatan ni Xian si Kim. Baka nga naman natisod si Kim habang naglalakad at mas malaking abala ‘yun. At least, nang kargahin niya, sandal lang siyang napagod at humingal.

May nag-comment pa nga na parang bagong kasal sina Kim at Xian at nag-post na “Mabuhay ang bagong kasal!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

-Nitz Miralles