SOBRANG fake news ang lumabas na nagpakamatay si Gab Valenciano dahil pinalabas na ang nag-report sa ABS-CBN ay si Pinky Webb na matagal ng wala sa network at nasa CNN Philippines na yata.

Nakalagay sa balita ang #GabValencianoRIP Gab Valenciano Pumanaw na matapos MAGPAKAMATAY sa kanilang bahay sa San Juan.” Nakalagay pa na subscriber ang GMA News ng ABS-CBN.

Pinost ni Gab ang fake news sa Instagram (IG) niya at ang sabi, “FAKE NEWS. I AM ALIVE AND WELL.”

Pinost din ni Gary Valenciano sa IG niya ang maling balita at nag-comment ng “I know this is fake news. But just so you know. My god. It asks you to share first before watching” at sinundan ng “ALERT: This news is going around now. THERE IS NO TRUTH TO ANY OF THIS!!! This isn’t the fault of ABS-CBN NEWS. It looks like even they were a victim of this. It’s TOTALLY FAKE!!! A news clip about another issue was used and Gab’s face was simply added on to the clip. Please do not believe such news immediately!!! God bless us all.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May netizens na si Gab ang sinisi sa paglabas ng fake news na pagsu-suicide niya dahil sa IG niya, binabanggit niyang depressed at sa latest post, ipinakita pa ang mga sugat sa braso na hindi nilinaw kung self inflicted o dahil sa aksidente.

Ang caption niya sa photos ay “World Suicide Prevention Day isn’t just a day where we celebrate victories of those who have survived, instead it is an awareness day where we magnify the importance and significance of how to deal with this growing epidemic....”

Nag-comment pa nga si Angeli sa post ni Gab: “I love you so much son. You bring so much joy to your family and to your many friends and to Leia... thank you for your courage and brave stand to help others by sharing your story.”

Ang feeling ng netizens, sa post ni Gab nagka-idea ang nasa likod ng fake news na nag-suicide siya, kaya dahan-dahan daw siya sa pagpo-post ng tungkol sa suicide.

-Nitz Miralles