CAGAYAN DE ORO CITY – Isang tatlong palapag na gusali na gawa sa “eco-bricks” ang nakatakdang itayo sa lungsod na ito upang magsilbing treatment facility para sa mga bata na may salit na leukemia.
Tatawaging “Balay Lunas (House of Healing),” ang itatayong gusali sa 14-na ektaryang lupain sa Zayas, dating tambakan ng basura na ngayong ay isa nang eco-park.
Ang mga materyales na gagamitin ay gawa sa mga “eco-bricks,” mula sa mga basurang plastic, na dating pinagkakakitaan ng mga basurero na nagtayo ng isang kooperatiba.
Ayon naman kay Cagayan de Oro Local Environment and Natural Resources Office (Clenro) chief, Engr. Armen Cuenca, ang mga gagamiting eco-bricks ay inaasahang mas matibay kumpara sa karaniwang hollow blocks.
“The durability of the eco brick is 700 pound per square inch (psi) compared to a hollow block which is only 400 psi. In fact, we can get 35 percent savings when we will use the eco-bricks,”aniya.
Sa kanya namang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Oscar Moreno, para sa tagumpay ng proyekto na magbibigay ng benepisyo sa mga mahihirap at mga batang may sakit na leukemia.
PNA