MAKASALO ang Lyceum of the Philippines University sa ikalawang puwesto ang tatangkain ng San Sebastian College sa muli nilang pagtutuos ng University of Perpetual ngayon ikalawang round ng NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Magtutuos ang Stags at Altas sa pambungad na laro ng nakatakdang triple bill ganap na 12:00 ng tanghali.

Susundan ito ng tapatan ng St.Benilde at Mapua ganap na 2:00 ng hapon bago ang huling sagupaan sa pagitan Jose Rizal University at season host Arellano University ganap na 4:00 ng hapon.

Itataya ng San Sebastian sa pangunguna ng nakaraang linggong Player of the Week na si Allyn Bulanadi sa nasabing salpukan ang naitala nilang 5-game winning run.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Muli silang pinapaboran na manaig kontra Perpetual na nauna nilang iginupo noong Agosto 23 sa iskor na 107-90.

Sa ikalawang laro, hangad naman ng Blazers na pumatas sa ika-4 na puwesto na kinaluluklukan ngayon ng Letran hawak ang markang 7-4, sa pagtutuos nila ng Mapua.

Pipilitin ng CSB na bumawi sa nakaraang kabiguan nila sa kamay ng San Sebastian habang gagamitin namang buwelo ng Cardinals ang nakaraang double overtime win kontra Letran upang palakasin ang tsansang humabol sa Final Four.

Samantala sa huling laro, pipilitin din ng Heavy Bombers na palakasin ang tsansa nilang umabot ng Final Four sa pagharap nila sa Chiefs na gusto namang makaahon mula sa kinalalagyan nitong ilalim ng standings.

-Marivic Awitan

Standings W L

San Beda 11 0

LPU 8 3

SSC-R 7 3

Letran 7 4

CSB 6 4

Mapua 4 6

JRU 4 7

Perpetual 3 7

Arellano 2 9

EAC 1 10

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

12:00 n.t. -- San Sebastian vs Perpetual (m)

2:00 n.h. -- St. Benilde vs Mapua (m)

4:00 n.h. -- JRU vs Arellano (m)