SA kabila ng mapaklang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup, nanatili ang kapit ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa impluwensiya ng International Basketball Federation.

KABILANG si Manny Pangilinan, Chairman Emeritus ng Samahang Basketball ng Pilipinas (ikatlo mula sa kanan, nakatayo) sa miyembro ng 25-man Central Board ng FIBA.

KABILANG si Manny Pangilinan, Chairman Emeritus ng Samahang Basketball ng Pilipinas (ikatlo mula sa kanan, nakatayo) sa miyembro ng 25-man Central Board ng FIBA.

Kabilang si SBP Chairman Emeritus Manny Pangilinan sa huling dalawang opisyal na isinama sa 25-member Central Board ng FIBA matapos ang huling pagpupulong ng FIBA Congress sa Beijing.

Mayroong 13 miyembro kabilang na ang bagong presidente, ingat-yaman at secretary-general ang nahirang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasama ni Pangilinan na huling nakasama sa Central Board nitong Sabado si Chinese basketball icon Yao Ming.

Nag-appoint din ang Central Board ng mga magiging miyembro ng Executive Committee upang makasama ng mga ex officio members na sina bagong FIBA President Hamane Niang, bagong FIBA Secretary General Andreas Zagklis, bagong FIBA Treasurer Ingo Weiss at ang mga pangulo ng limang rehiyon ng FIBA na kinabibilangan nina Anibal Manave  ng Africa, Carol Callan ng America, Sheikh Saud Bin Ali Al-Thani ng Asia, Turgay Demirel ng Europe at Burton Shipley ng Oceania – sina Carmen Tocala (Romania), Richard Carrion (Puerto Rico) at Mark Tatum (USA).

Kasama ding na-appoint sa nasabing Central Board meeting ang tatlong FIBA Vice-Presidents na sina Sheikh Saud Al-Thani (Qatar), Turgay Demirel (Turkey) at Burton Shipley (New Zealand).

Marivic Awitan