SUERTE LANG!

MAGKAHIWALAY na landas ang tinahak ng league-favorite defending champion Ateneo Blue Eagles at La Salle Green Archers nitong Sabado sa UAAP men’s basketball tournament sa MOA Arena.

TAN: Unang panalo bilang coach ng UE.

TAN: Unang panalo bilang coach ng UE.

Naisalpak ni Rey Suerte ang 5-of-7 sa three-point area, tampok ang krusyal na bitaw may 3.2 segundo ang nalalabi para sandigan ang University of the East Warriors sa makapigil-hiningang 89-88 panalo laban sa perennial contender Green Archers.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"One word: Suerte. Swerte lang," pahayag ni UE consultant Lawrence Chongson, patungkol sa impresibong opensa ng dating CESAFI MVP.

Ispesyal ang panalo, higit at ito ang kauna-unahang tagumpay ng Warriors sa Archers sa mahabang panahon, sa pangangasiwa ng bagong head coach na si Lucio ‘Bong’ Tang, Jr.

Kumamada si Suerte ng career-best 31 puntos, pitong rebounds, at tatlong assists.

Naisalpak ni Suerte ang three-pointer may 15.4 segundo para maibigay sa Warriors ang 86-85 bentahe, ngunit nakaganti ang La Salle mula sa three-pointer ni Aljun Melecio para mabawi ng Archers ang kalamangan sa 88-86 may 10.8 segundo sa laro.

Mula sa time-out, nakagawa ng maayos na inbound play ang Warriors at tunay na itinakda si Suerte bilang bayani sa laro nang muling kumonekta sa long distance tungo sa pinakamalaking panalo ng UE sa kasalukuyan sa premyadong collegiate league sa bansa.

Nanatili namang imakulada ang marka ng Ateneo Blue Eagles nang dagitin ang FEU Tamaraws, 63-46.

Nanguna si Ange Kouame sa pagtala sa ika-apat na sunod na panalo ng Blue Eagles sa naiskor na 14 puntos, 12 rebounds, at tatlong blocks, habang kumana si Adrian Wong ng 13 puntos mula sa 3-of-5 shooting at limang assist.

Kumubra si Thirdy Ravena ng 12 puntos, 10 rebounds, at dalawang blocks para sa Ateneo, ratsada sa 11-0 sa unang tatlong minuto ng laro.

"From the looks of it, we have to be a good defensive team since we can't knock the ball down even in an ocean. That's what we're trying to do, to keep the offense of the opponents struggling," pahayag ni coach Tab Baldwin.

Nag-ambag si Neil Tolentino ng 19 puntos, habang tumipa si Jem Cruz ng 13 puntos at walong rebounds para tulungan ang Recto-based squad sa unang panalo laban sa La Salle mula noong Season 77 second round, 68-66 noong Setyembre 10, 2014.

Tangan ng UE ang 1-3 karta, habang bagsak ang La Salle sa 1-2.

Iskor:

(Unang Laro)

UE (89) -- Suerte 31, Tolentino 19, Cruz 13, Pagsanjan 8, Apacible 6, Conner 4, Mendoza 4, Natividad 4, Abanto 0, Camacho 0, Diakhite 0, Sawat 0.

DLSU (88) -- Baltazar 21, Melecio 21, Caracut 16, Serrano 14, Pado 9, Lojera 3, Bartlett 2, Manuel 2, Bates 0, Hill 0.

Quarterscores: 28-24, 48-37, 70-63, 89-88.

(Ikalawang Laro)

ATENEO (63) -- Kouame 14, Wong 13, Ravena 12, Mi. Nieto 4,Navarro 4, Mamuyac 3, Ma. Nieto 3, Tio 3, Belangel 2, Daves 2, Go 2, Maagdenberg 1, Andrade 0, Chiu 0, Credo 0, Mallillin 0.

FEU (46) -- Ebona 8, Torres 8, Comboy 6, Gonzales 6, Nunag 5, Bienes 4, Tuffin 3, Alforque 2, Tempra 2, Cani 1, Tchuente 1, Celzo 0, Dulatre 0, Mantua 0, Stockton 0.

Quarterscores: 18-6, 23-15, 47-32, 63-46.