MATAGAL-TAGAL na ring magkasama sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa GMA Network, pero ngayon mas nagiging close sila sa trabaho since nagsimula sila as mainstays ng Studio 7 musical show every Sunday evening.

Pansamantalang mawawala muna sina Rayver at Julie Anne sa said musical show dahil sila ang napiling mag-host ng season 2 ng The Clash bilang mga Clash Masters. Magkakasunod kasi every Sunday ang The Clash at Studio 7.

Sa mediacon ng The Clash, nabiro si Rayver kung hindi ba siya humahanga sa kaseksihan ng kanyang co-host?

“Natutuwa nga po ako kapag nakikita ko ang kanyang sexy poses sa social media at sa mga newspapers,” sagot ni Rayver. “Nagtataka rin ako kung paano niya nami-maintain ang kaseksihan niya, nakikita ko naman na hindi siya nagda-diet, malakas siyang kumain. Samantalang ako, pigil na pigil sa pagkain para hindi ako mag-gain ng weight.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Wala naman kasi iyon kay Rayver, dahil si Janine Gutierrez pa rin ang itinatangi ng puso niya. Kahit wala silang ibinibigay na level sa kanilang relasyon, chill lamang sila at kampante sa isa’t isa.

“Masaya po ako na nakuha akong mag-host ng The Clash. Mailalabas ko na ang totoong ako, iyong pagiging kalog, madaldal na tao kapag nagsimula na kami sa September 21. Every Saturdays, after Daddy’s Gurl at Sundays, after Daig Kayo Ng Lola Ko, kami mapapanood.”

May isa pang regular show si Rayver, ang mysterious Afternoon Prime drama series na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, with Kris Bernal, Megan Young, Kim Domingo, after Eat Bulaga, Mondays to Saturdays.

-Nora V. Calderon