NAWALIS ng University of Perpetual ang kanilang elimination round matches sa Pool C matapos gapiin ang PLDT, 20-25, 25-22, 25-21, 25-17 sa pagpapatuloy ng 2019 Spikers’ Turf Open Conference nitong Huwebes sa Paco Arena.

“Actually, ang lagi kong sinasabi is this is a part of our exposure. Hindi ko akalain na ganito maglaro yung team ko. PLDT is a very strong team, they’re a club team, maybe yung luck nasa amin lang,” pahayag ni Perpetual coach Sammy Acaylar.

Bumalikwas mula sa kanilang kabiguan sa first frame ang Altas kontra sa mas beteranong Power Hitters at winalis ang sumunod na tatlong sets upang maangkin ang panalo.

Pinangunahan ni Joebert Almodiel ang nasabing panalo sa ipinoste nyang 18 puntos mula sa 14 hits at 4 na aces bukod pa sa14 excellent receptions kasunod si rookie Hero Austria na may 16 puntos.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nag-ambag naman ang mga kakampi nilang sina Ronniel Rosales at Louie Ramirez ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod at si setter EJ Casana ng 26 excellent sets.

Pinangunahan naman ni Richard Solis ang PLDT sa ipinoste nitong 16 puntos at Pao Pablico na may 15 puntos.

Sa iba pang mga laro, nagsipagwagi naman ang Cignal HD Spikers at PGJC-Philippine Navy Sea Lions.

Tinalo ng HD Spikers sa pamumuno ni Alfred Valbuena ang Emilio Aguinaldo College Generals, 25-22, 25-21, 25-18, upang umangat sa liderato ng Group A.

Nagtala si Valbuena ng 11 puntos upang giyahan ang Cignal sa ikatlong sunod nilang panalo.

Sa kabilang dako, namuno naman si Joshua Mina na nagtala ng 12 puntos para sa Nauna rito, nakamit naman ng Sea Lions ang ikalawang sunod nilang panalo matapos pataubin ang University of Sto. Tomas Tiger Spikers, 25-20, 25-21, 25-18.

-Marivic Awitan