IBINIGAY na ng Department of Labor and Employment 11 (DoLE 11) ang P800,000 halaga ng livelihood project sa Mati Construction Workers Association (MACOWA) sa Mati City, Davao Oriental, nitong Miyerkules.

Gagamitin ang pondo para sa vannamei o Whiteleg shrimp production ng asosasyon, ayon kay Bencito Galvez, ang MACOWA president.

Mataas, aniya, ang demand para sa vannamei sa mga pamilihan sa bansa at maging sa ibang bansa, ngunit ang supply ay “very low”.

“We also intend to give employment to the fisher folk in the area through this project,” pahayag ni Galvez.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon kay DOLE Davao Oriental chief, Rodolfo T. Castro, Jr., ang project proposal ng MACOWA sa shrimp production ay labis na inirekomenda at inaprubahan “due to the fact that the market of shrimps local and overseas is huge. The price is high and the channel of distribution is clear.”

Ang pagbibigay ng tseke sa 80 miyembro ng asosasyon ay pinasinayaan ni kilala bilang Whiteleg shrimp o Pacific white shrimp o king prawn, ay isang uri ng sugpo na karaniwan sa silangang Karagatang Pasipiko at hinuhuli para makain.

PNA