MAGDIWANG at magpigay pugay sa bagong Philippine Chess Queen.

TOP WOMEN! Nagpakuha ng ‘souvenir photo’ sina GM Eugene Torre, GM Jason Gonzales, NM Cesar Caturla at NCFP Officials, sa pangunguna ni James Infiesto sa mga premyadong women’s chess player na sumabak sa 2019 National Women’s Chess Championship na pinagwagihan ni WIM Jan Jodilyn Fronda (gitna).

TOP WOMEN! Nagpakuha ng ‘souvenir photo’ sina GM Eugene Torre, GM Jason Gonzales, NM Cesar Caturla at NCFP Officials, sa pangunguna ni James Infiesto sa mga premyadong
women’s chess player na sumabak sa 2019 National Women’s Chess Championship na
pinagwagihan ni WIM Jan Jodilyn Fronda (gitna).

Nakamit ni WIM Jan Jodilyn Fronda ang bagong titulo matapos mangibabaw sa mga premyadong women’s chess player sa bansa, kabilang si WFM Allaney Jia Doroy sa 42 sulong ng King’s Indian sa final round ng 2019 National Women’s Championship nitong Huwebes sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) headquarters sa Mindanao Ave., Project 6, Quezon City.

Naitala ni Fronda, three-time UAAP MVP ng La Salle, ang tatlong panalo sa huling apat na laro, upang masungkit ang korona ng prestihiyosong kumpetisyon.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa kabuuan, nakopo ng 25-anyis na pambato ng Alaminos, Pangasinan, ang 9.5 puntos mula anim na panalo at pitong tabla sa torneo na itinaguyod ng National Chess Federation of the Philippines(NCFP) upang makapili ng miyembro sa Philippine Team na isasabak sa 2020 World Chess Olympiad na makatakda sa Aug. 1-15 sa Khanty- Mansiysk, Russia.

Nagtabla ang tatlong players – dating kampeon na si WIM Shania Mae Mendoza, top seed WGM Janelle Mae Frayna at WIM Marie Antoinette San Diego – sa ikalawa hanggang ika-apat na pwesto na may parehong 9 na puntos.

Ginapi ni Mendoza si May Ann Alcantara ng 54 sulong ng French defense, pinataob ni Frayna si WCM Mira Mirano ng 47 sulong ng Slav at itinumba ni San Diego si Samantha Umayan sa 32 sulong ng London System.

Ang dating lider na si WIM Kylen Joy Mordido ay nakaungos kay Natori Biazza Diaz matapos ang 42 sulong ng Sicilian upang makisalo sa fifth at sixth places kay WIM Catherine Perena-Secopito sa 8.5 puntos.

Naghati sa puntos sina Secopito at Rizalyn Jasmine Tejada matapos 74 moves ng Scandinavian opening. Tabla rin si WIM Bernadette Galas at WIM Mikee Charlene Suede sa 59 sulong ng Sicilian.

Sina tournament director GM Jayson Gonzales at supervising arbiter Gene Poliarco ang nag-abot ng tropeo at cash prizes sa mga nanalo.