KUMPIYANSA ang kampo ni Filipino challenger Juan Miguel Elorde na maaagaw ng apo ng boxing icon na si ‘Flash’ ang World Boxing Organization super-bantamweight title kay Mexican champion Emanuel Navarrete sa Sabado (Linggo sa Manila) sa T-Mobile Center sa Las Vegas.

TARGET ni Pinoy challenger Juan Miguel Elorde (kanan), apo ni boxing icon Gabriel ‘ Flash’ Elorde, na maagaw ang WBO super-bantamweight belt ni Mexican champion Emanuel Navarrete sa kanilang pagtutuos sa Sabado (Linggo sa Manila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Nagkaharap ang dalawa sa ginanap na press conference nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

“We did the best preparation of my career and have studied Navarrete well. We know how to exploit his flaws, and utilize our strengths,” pahayag ng batang Elorde sa ginanap na media conference para sa laban nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Iginiit naman ni Navarrete na nasa likod niya ang suporta ng mga kababayan, higit at ipagdiriwang ng Mexico sa araw ng kanyang laban ang kanilang Independence Day.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Iginiit ni Hall of Fame promoter Bob Arum ng Top Rank na pinakahihintay ng boxing fans sa buong mundo ang Navarrete-Elorde duel.

Tangan ni Elorde  ang 28-1 marka, tampok ang 15 KOs. Ito ang unang pagkakataon kung papalarin si Elorde na tanghaling world champion laban sa beterano at palabang si Navarrete (28-1 with 24 KOs).

Inamin naman ni Navarrete, na sa kabila ng pagiging liyamado, hindi siya magpapakasiguro sa karibal.

“This opponent is very difficult, a Filipino of high level, but I come psyched, highly trained and motivated to defend my championship in Las Vegas on this special date,” pahayag ni Navarrete.

“The fans will see a great fight and we will take back the title to Mexico and show Mexican pride,” sambit ng 24-anyos na kampeon. Nick Giongco