NAGHIHINTAY na lamang ng tamang panahon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang maipamahagi ang 100 na bangka sa mga mangingisdang nasa laylayan ng lipunan sa Antique.

Inihayag ni Alletth Gayatin, Office of Provincial Agriculture (OPA) Senior Aquaculturist, nitong Lunes na ang karamihan sa natitirang mga bangka ay para sa mga mangingisda sa Caluya, Tibiao, at Culasi.

Nasa provincial government property pa ang mga bangka sa Barangay Badiang, sa kabiserang San Jose De Buenavista.

“Around 60 units of the boats are really for Caluya while the others are for Tibiao and Culasi,” pahayag nito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kasama ang BFAR, inilahad nito na humingi sila ng tulong sa local government units (LGUs) upang maibiyahe ang mga bangka at maibigay sa mga mangingisda nitong Hunyo pa.

“As for Caluya, the LGU has already communicated to help transport the boats and so we expect it to be anytime now,” dagdag pa nito.

Parte ang mga ibinigay na bangka ng FB Pagbabago program, isang livelihood intervention para sa mga mangingisdang Pilipino.

Nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P55,000 ang bawat bangka at mayroong dalawang may-ari ang bawat isa nito.

Dagdag pa dito, nasa 311 bangka pa ang kasalukuyang ginagawa para sa mga mangingisda ng Antique.

“The additional boats are the commitment of then-Department of Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol to the fisherfolk when he last visited Culasi,” ayon kay Gayatin.

Nangako rin si Piñol na magbibigay ng 750 fiberglass na bangka sa iba’t ibang grupo ng mga maralitang mangingisda. Nasa 439 bangka na ang naibigay.

PNA