HANDA na ba ang sambayanan? Mapapanood ang mga paboritong wrestling star ng WWE SmackDown! sa pinakaaabangan na ‘Wrestlemania XXXV sa Setyembre 20 sa Smart Araneta Coliseum.
Tampok ang WWE Superstars na sina Charlotte Flair at Kevin Owens, aksiyong umaatikabo ang mapapanood sa pinakamalaking international wrestling tournament sa bansa.
Magtutuos din sina Roman Reigns at Drew McIntyre sa Street Fight, habang haharapin ni WWE Champion Kofi Kingston (of The New Day) ang matikas na challenger na si Daniel Bryan!
Itinuturing makasaysayang lugar ang Big Dome at napapanahon na isagawa ang makasaysayang ‘Fight Night’ para sa pinakamalaking wrestling promotion sa mundo. Mula nang buksan ang Big Dome sa wrestling event noong 1994 Manila Mania na nagtampok sa pinakasikat at respetadong fighters sa mundo kabilang na sina Bret “Hitman” Hart, “Heartbreak Kid” Shawn Michaels, The Undertaker, Ric Flair, Triple H, Edge, John Cena, Batista, at Jeff Hardy.
Makabibili na ng tiket sa lahat ng Ticketnet outlets sa buong bansa o bisitahin ang https:// www.ticketnet.com.ph!