TAMPOK ang basketball, softball, at table tennis sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros.

Magbibigay ng kanilang mensahe para sa pagbubukas ng Inter-Scholastic Athletic Association sina ISAA President Ruel R. Dela Rosa ng Manila Tytana Colleges at Vice President Andres S. Cristobal ng La Consolacion College of Manila.

Nakatakda ang ika-11 season ng ISAA sa Setyembre 19 sa Mall of Asia Arena.

Makakasama nina sa sports forum ganap na 10:00 ng umaga sina Antonio S. Giron, Secretary, Manila Adventist College; Melanie P. Florentino, Treasurer, FEATI University; Benjamin Hernandez, Jr., Auditor, PATTS College of Aeronautics; at Jose Lorenzo B. Durian, PRO, Treston International College.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magbibigay naman ng kanilang pananaw sa kahandaan ng Philippine Blu Girls sina coaches Venerando Dizer, Ana Maria Santiago, Anthony Santos at Ronelon Pagkaliwagan kasama ang mga players na sina Cheska Altomonte, Angelie Ursabia, Arianne Vallestero, Chelsea Suitos at Sky Eleazar.

Ilalahad naman ni Mark Makapagal, organizer ng 1st Mayor Jun Simon Punzalan World Elimination of Pingpong, ang naghihintay na papremyo sa mga lalahok sa torneo na gaganapin sa Setyembre 14-15 sa San Simon National High School Pampanga.

Makakasama niya ang 12-anyos na si Albay Villena sa public sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink.