ISANG taon na ang nakakaraan, sumailalim sa isang maselang operasyon si Jerrick Balanza upang matanggal ang tumor na tumubo sa kanyang utak.

Himala o gabay ng Panginoon, isang malusog na Balanza ang nagbabalik-aksiyon para sa kampanya ng Letran sa NCAA men’s basketball championship.

Ipinagdiwang ni Balanza ang kanyang ika-23 taong kaarawan nitong Biyernes sa paggabay sa Knights, 88-64, kontra College of St.Benilde sa ipinoste nyang game-high 26 puntos mula sa 8-of-13 shooting sa field.

Dahil dito, siya ang napiling Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Ayun nga kasi, nabigyan pa ako ng isang taon, bagong isang taon. So [ngayon], yung sinasabi ko is lahat ng opportunity na dadating sa buhay ko, ima-maximize ko talaga dahil bihira lang yung nabibigyan ng ganito eh,” ani Balanza.

Dahil din sa panalo, nakabangon ang Knights mula sa dalawang sunod na pagkabigo at nakapuwersa ng 4-way tie sa ikalawang posisyon kasama ng Lyceum, San Sebastian at ng Blazers taglay ang barahang 6-3.

Tinalo ni Balanza para sa lingguhang citation dina Calvin Oftana ng San Beda at Allyn Bulanadi ng San Sebastian.

-Marivic Awitan