HINDI itinanggi ni Vina Morales na kasama siya sa mga sinasabi ng lahat na kapag successful sa career at negosyo ay hindi nabibiyayaan ng magandang lovelife.

vina ystilo

“Alam mon a, ha, ha, ha kasi ‘yung oras ko sa anak ko nandidiyan naman parati priority ko siya. Pag may trabaho ako at tapos na ang school niya, pinapasama ko siya sa trabaho ko at kung may school events sila, nakikiusap ako parati sa production na kailangan iyon ang priority ko at pinagbibigyan nila ako kasi alam naman nilang single parent ako.

“Bago ko kasi tanggapin ang isang proyekto, sinasabi ko sa kanila na kapag may family event o school event si Ceana (anak niya) kailangan nadoon ako and naintindihan nila iyon, very supportive sila,†seryosong pahayag ng singer/actress/businesswoman.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa, “Pero pagdating sa lovelife, ha, ha, ha bokya! Zero, ha, ha, ha. Wala na naman. Parang hindi nagle-level up. Walang pagbabago. I also asked myself why? Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na in God’s time.

“Kasi kung ipilit ko, baka mali pa ‘yung mapunta sa akin ulit! Ulit pala, ha, ha, ha. Kasi ginawa ko na ‘yun noon (long distance relationship) mga bagay-bagay, e, hindi naman uukol so, it ends up na hindi kami nagkakatuluyan, hindi nagwo-work out at magulo pa, maraming trials na nangyayari. Minsan naman may pinapa-date naman sa akin hindi naman nawawala ‘yun.â€

Kamakailan ay nasa Amerika si Vina at tinanong namin kung sino ‘yung Fil-Am na kasama niya sa litrato na at base sa komentong nabasa namin ay binabati ang aktres na may mga heart emoji pa.

Kaya tinanong namin kung sino ‘yung kasama niya noon sa US na nasa beach pa, “ay grabe naman kayo, huwag na ‘yun kasi hindi naman taga-showbiz at private person siya, we’re good friends,†mabilis na sagot ng marketing manager at isa sa may-ari ng Ystilo Salon.

Nanliligaw bas a kanya, “mahirap ‘yun kasi hindi nagwo-work ang LDR (long distance relationship) kasi sa akin I have a daughter, I have work here, I have businesses here parang malaking sakripisyo ang gagawin ko kapag lumipat ako sa ibang bansa. So, I guess LDR doesn’t work for me.â€

Dagdag pa, “I’ll just have to wait from someone from here (Pilipinas) na magkaroon ng same situation here.â€

Oo nga hindi puwedeng iwan ni Vina ang Pilipinas dahil bukod sa nandito sa Pilipinas ang pamilya niya, dito nag-aaral ang anak, maganda ang takbo ng showbiz/singing career niya at higit sa lahat, lumalago ng lumalago ang negosyo nilang magkakapatid na Ystilo Salon at magkasama sila ni Shaina Magdayao sa marketing side bukod sa endorser.

“Yes, 21 years na kami and counting and as of now we have 24 branches of Ystilo and there’s more branches opening in Fairview Terraces, Marikina at La Union very soon kakapirma lang namin ng contract with franchisee.

“Ito namang Festival Mall Alabang (bagong puwesto) matagal na ‘to, 11 years na kami rito at nag-change ng location kasi I think the mall, nagre-renovate sila so they want to give new look sa old branches nila.

“Kaya nagpapasalamat ako sa Ystilo Team hindi nila pinababayaan ang kanilang sariling trabaho, may sister Sheila Moreno, always hands on (manager), si Shaina is also supportive. At siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng clients namin na hindi kami iniwan kahit maraming kakumpetensiya,†pahayag ni Vina.

Sa ngayon ay abala si Vina sa taping ng Sandugo mula sa Dreamscape Entertainment.

-Reggee Bonoan