MARAMI ang pabirong naiingit kay Jo Berry dahil sa The Gift, ang bagong primetime series ni Alden Richards sa GMA-7, hindi lang siya ang madalas kaeksena ng aktor dahil siya ang gumaganap na guardian at adoptive ni Sep (Alden), lagi rin silang magkasama off cam.

JO BERRY & ALDEN

Heto pa, sa kanilang paglalakad papunta sa set o kaya’y pagkatapos kunan ang mga eksena nila, kundi hawak ni Alden ang kamay ni Jo, pini-piggy back ride siya ng aktor para hindi na siya mahirapang maglakad.

Nakakatuwa ang reactions ng fans ni Alden na tinatanong si Jo ng “how to be you?” at kung pumila ba siya?

Tsika at Intriga

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony

“Sorry po sa mga nakapila ha find your height daw kasi eh, kaya nauna nako! Maraming salamat po sa suporta,” sagot ni Jo sa mga comments ng fans ni Alden.

Anyway, marami ang nagkakagusto sa mga eksena nina Alden at Jo sa The Gift lalo na ‘pag mother-son scenes dahil may chemistry sila not in a romantic way ha! Nakakatuwa at nakakatawa ang mga eksena nila, pero kapag nabulag na si Sep, tiyak na paiiyakin na ng dalawa ang viewers.

Sa September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice ang worldwide premiere ng The Gift sa direction ni LA Madridejos.

-Nitz Miralles