PINAGHANDAANG mabuti ni Kapuso hunk actor Derrick Monasterio ang role niya bilang isang PDEA agent sa bago niyang drama-action series na Beautiful Justice.
“Nagtraining po ako sa paggamit ng gun, sa boxing at may series of workshops din kaming ginawa,†kuwento ni Derrick. “Medyo may mga mahirap kaming ginawa, pero okey lamang, malaking bagay po talaga ang paghahanda sa mga gagawin mo, kung hindi ka fully-prepared, doon po mahirap.â€
Pero ang pinakamahirap na niyang nagawang eksena ay iyong barilang scenes.
“Kailangan po kasing tama ang paghawak ng baril, yung tama ang pagkasa mo, mabigat po ang baril kaya medyo mahirap.â€
Inamin ni Derrick na ito na ang pinakamabigat na seryeng ginawa niya.
“Isa pa po, iyong timeslot namin, malakas ang kalaban. But it’s an honor and privilege dahil malaki po ang tiwala ng GMA sa amin, sa project namin. Yes, nakaka-pressure, pero masaya kami dahil marami kaming support from PDEA, from our Kapuso, magagaling yung team namin, lalo na si Direk Mark Reyes, sobra po niyang passionate sa project naming ito. Kaya naman ang buong team, ang mga actors na bumubuo nito, makikita mo ‘yung intensity ng acting nila.â€
PDEA agent nga si Derrick dito, pero may twist sa story na hindi pa niya pwedeng ikuwento.
First time ring makakatrabaho ni Derrick si Gabbi Garcia pero masaya raw siya at madali niyang nakasundo ang leading lady niya. Wishing daw niyang may mga eksena silang nakakakilig at marami ring ma-action scenes. Masaya rin si Derrick na muli niyang makakatrabaho ang best friend na si Bea Binena na nakasama na niya simula pa sa unang project niya sa GMA. First time naman niyang makakasama si Yasmien Kurdi pero madalas na raw niyang napapanood ang mga serye nito at bilib siya sa acting nito.
Thankful si Derrick na ngayong halos araw-araw ang taping nila ng Beautiful Justice, tapos na siya sa shooting ng upcoming movies niyang GLU at Kiko at Lala with Super Tekla.
Tonight na, September 9, ang world premiere ng Beautiful Justice sa GMA primetime telababad, pagkatapos ng 24 Oras.
-NORA V. CALDERON