ANG Hueniverse Music Festival ay passion project daw ni John Prats ayon sa bestfriend nitong si Sam Milby na isa sa investor.

Ang kuwento ng singer/actor, “this is John’s passion project, I’m more an investor here when he started talking the idea last year, siyempre on board ako. I’ve only technically doing music festival and have an amazing experience in outside lands, San Francisco and yes we’ve always been talking doing about a music festival when we started Bright Bulb (kumpanya nila kasama si Angelica Panganiban) before and ‘yun ang nasa plans namin after Tagpuan concert of Moira (dela Torre). Planning this everything and getting all the artists was Prat’s plan.”

May international artist na makakasama sa Hueniverse Music Festival, si John Borger o mas kilala bilang si Borgeous, American DJ at music producer. Ang playlist niya ay ang Tsunami, They Don’t Know Us, Stampede Original Mix, Zero Gravity, Breathe, IDWGAF, Making Me Feel at marami pang iba.

Ang local artists naman na kabilang sa Hueniverse Music Festival ay ang Spongecola, Autotelic, Allmost, The Ransom Collective, Agsunta, Bita and the Botflies, Mark Oblea, Claudia Barretto, Ron Poe, Jennifer Lee, Katsy Lee, Tom Taus,Written by the Stars, Chiquerella at isa pang surprise guest.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

Naging malaking balita ang nangyari sa Fyre Music Festival noong 2017 na ginawa sa Bahamas dahil niloko nila ang mga tao na nagbayad ng $1,200 pero walang musical performances na nangyari kaya kinasuhan ang organizer ng anim na taong pagkakakulong.

Kaya tinanong si Sam kung ano ang measures nila bilang isa siya sa producer/investor ng Hueniverse, “iba naman ‘yun, I haven’t seen the documentary but I know about the story, obviously everyone went there expecting an amazing music festival tapos wala! Of course, we plan of making this in a yearly thing so it’s very, very important that we get it right this year and have an amazing experience para sa lahat na pupunta that they will be excited to go the next year. All the artists already confirmed.”

At para sa seguridad ng lahat ay maraming undercover marshalls at PDEA agents na maglilibot sa bawa’t sulok ng Events Grounds para hindi matulad sa nangyari sa Close-Up Forever Summer tragedy noong Mayo 2016 na ginanap sa SM Mall of Asia grounds kung saan maraming namatay.

Nabanggit naman ni Isabel Oli-Prats, in charge sa Marketing na may mahigit 50 stalls sa loob ng Venue na puwedeng bilhan ng mga pagkain, inumin at puwede ring mag-shopping.

Kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng sariling inumin at pagkain at doon lahat bibilhin sa loob para siguradong safe lahat ng manonood ng nasabing music festival.

Ang Hueniverse Music Festival ay magaganap sa September 28, na sponsored ng Vivere Hotel and Resorts, Novotel, Jack, Etc, Manila Concert Scene, Nayomi, Myx, Monster RX 93.1, Manila Bulletin, When in Manila, TigasSouth, Manila Araneta Center, Sultana Affairs at Filinvest City produced ng Bright Bulb Productions.

Samantala, tinanong namin ang tungkol sa sinasabing mystery girl ni Sam na ayaw niyang i-reveal kung sino.

“All I can say is that I’m interested and inspired by somebody. At this moment, why would you want to share something that isn’t there yet or I don’t know. Don’t get too far if that isn’t there yet,” katwiran ni Samuel.

Pero sinigurado naman ng aktor na kapag naging sila na ng kanyang mystery girl ay ise-share niya dahil imposible naman daw na hindi malaman ito ng lahat kapag magdi-date o lalabas sila.

“I will share it in the right time,”saad ng binata.

At ang nagustuhan ni Sam sa kanyang mystery girl, “just very genuine with a big heart.”

Hindi mabanggit ni Sam kung showbiz dahil, “I can’t share it, I don’t wanna give any clues.”

Pero habang kausap ni Sam ang ilang entertainment media, online writers at bloggers ay may nagsabing, semi-showbiz at may kinalaman ang titulo ng music festival sa mystery girl ng aktor.

Nabanggit din ng aktor na mag-isa siyang rarampa sa 2019 ABS-CBN Ball, “I’m going alone. I don’t know, she may or she may not be there (sabay kibit balikat).”

-REGGEE BONOAN