GUSTO naming isiping maysakit na hypertension ang komedyanteng aktor dahil malumanay siyang kinakausap ng production staff ng pelikulang kasalukukuyang sinu-shoot ngayon nang bigla siyang nagsisigaw at inaway ang kausap.

Ang detalyadong kuwento sa amin ng production staff, “pina-inquire ang talent fee niya (komedyanteng aktor) tapos ipinasa niya kami sa manager niya. Nabanggit ng manager na ganito ang talent fee.

“Hindi pa done deal kasi inquiry lang naman tapos tinanong din ‘yung schedules na availability kasi nga isusunod siyempre sa bida ng pelikula kasi hindi naman siya (komedyanteng aktor) bida, kung baga one of those lang siya.

“Kaso hindi nagtali ang schedule niya (komedyanteng aktor) sa schedule ng bida at ng ibang cast, so sinabi namin ito sa manager na hindi kasama at naintindihan naman.

Blind Item

Ogie Diaz, pinag-iingat guwapong aktor na mahilig humarot ng chicks

“Tumawag na si (komedyanteng aktor) tapos tinatanong kung okay na at kailan ang shooting. Binanggit namin na nagkausap na kami ng manager niya. Tapos biglang nagsisigaw, hindi pa raw siya tinatawagan ng manager niya kaya ano raw ba iyon.

“Sinabi namin na kausapin niya ang manager niya at yun ang magsasabi. Tumatalak pa rin, bakit kailangan sa manager pa, e, sinagot namin siya ng, ‘hindi po ba kayo nagbigay ng number ng manager nyo para kontakin, e, di siya ang kinontak.’

“Ayaw makinig sa paliwanag, bakit hindi na lang daw siya (komedyanteng aktor) ang tinawagan kesa manager niya.

“Sabi ulit namin na kausapin niya manager niya, hindi pa rin maawat kung anu-ano ang sinasabi, galit na galit. Kalmado lang kami.”

Hanggang sa nagkausap na ang manager at komedyanteng aktor at ipinaliwanag na pero ayaw pa ring makinig dahil puwede naman daw gawan ng paraan ang schedule.

“Ang sabi sa amin ng manager niya (komedyanteng aktor), ‘nakakaloka, naka-commit kami kay (sikat na aktor) para sa serye niya, natural doon kami. Ang gusto gawan ng paraan ang schedule para makuha ang pelikula nyo. Magpapaalam na lang daw siya kay (sikat na aktor). Hindi naman puwede ‘yun!’ kuwento ng production staff.

Sa madaling salita, gustong pagsabayin ang shooting ng pelikula at taping ng serye. Ang galing ng istilo, ah.

Anyway, ang payo ng manager sa production staff ay huwag nang sagutin ang mga tawag at text ng alaga niya.

-Reggee Bonoan