BINATI namin s i John Prats pagkatapos ng mediacon ng Hueniverse Music Festival na may bago na naman siyang pinagkakaabalahan bukod kasi sa pagiging aktor sa Banana Sundae at FPJ’s Ang Probinsyano ay suma-sideline rin siyang direktor sa concerts ng Cornerstone Artists tulad nina Erik Santos, Moira dela Torre, K Brosas, Angeline Quinto, Richard Poon at iba pa.

hueniverse

At ngayon ay producer cum director siya sa nalalapit na Hueniverse Music Festival na gaganapin sa Filinvest City Events Grounds Alabang Muntinlupa sa Setyembre 28, Sabado, 1PM hanggang 3AM kinabukasan (Linggo).

“Kailangan, e. May pamilya na, may mga anak na. Ganu’n pala, nagbabago na ang pananaw kapag pamilyadong tao na, hindi tulad dati,”nakangiting sabi ni John sa amin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa, “puro nga palabas pa, siyempre kailangang mamuhunan.”

Bata palang si John ay marami n a s i y a n g i n v e s t m e n t s dahil lahat ng kinikita niya ay ipinagkatiwala sa magulang na ginamit naman s a n e g o s y o under the actor’s name na tanda namin ay naging supplier si l a noon ng frozen products hanggang sa nagtayo ng publication/printing at kung anu-ano pa.

Going back to Hueniverse Music Festival ay passion project pala ito ni John base sa kuwento ng isa sa investor ng Bright Bulb Productions kasama sina Angelica Panganiban, Camille Prats at si Isabelle Oli-Prats.

Nang itatag daw nila ang sariling productions ay napag-usapan na nila ang music festival kaya ngayon pagkalipas nang dalawang taon ay heto na at tuloy na tuloy na.

Sa mediacon ay tinanong si John kung anong security measures ang gagawin nila para maiwasan ang pagpasok ng droga tulad ng nangyari sa Close-Up Forever Summer tragedy noong Mayo, 2016 na ginanap sa SM Mall of Asia grounds at marami ang namatay.

Kuwento ng aktor/direktor/producer ay marami silang nakakalat na undercover marshalls at PDEA agents at kapag may nahuli ay ipa-flash nila sa naglalakihang LED screens na nakapalibot sa buong venue.

Hindi lang ang mga manonood ang babantayan maging ang performers na kasali sa music festival tulad ng Spongecola, Autotelic, Allmost, The Ransom Collective, Agsunta, Bita and the Botflies, Mark Oblea, Claudia Barretto, Ron Poe, Jennifer Lee, Katsy Lee, Tom Taus, Written by the Stars at Chiquerella.

Pagbabahagi pa ni John, “Dapat din! Nakakahiya naman siguro kung pino-promote natin, e, ‘tapos, sila pa ang mangunguna?!

“The whole objective of HUEniverse is sana, magkaisa na naman tayo. Kahit paano, kahit sa party lang, mag-e-enjoy na nga lang tayo! The whole objective of the HUEniverse is to have clean, good fun. Kaya sana, ma-achieve natin puwede naman. “Puwede namang mag-enjoy ng ano ako nga, hindi ko alam, kahit hindi ako umiinom, hindi ko alam, bakit ako nag-e-enjoy.”

Kasama rin sa performers ang international artist na si John Borger o mas kilala bilang si Borgeous, American DJ at music producer.

Nabanggit din ni John na may isa pang artist na kasama sa Hueniverse Music Festival at sa Setyembre 14 na nila ito ia-announce dahil may inaayos pa.

Paglalarawan naman nito sa concert venue, “Isang main stage lang kami, pero we created mga two-band set-up, para ma-maintain namin at ma-achieve namin yung seamless na transitions. “Walang magsasabay na performance. Kunwari, may banda kami. Then, may DJ. One stage lang, pero doon, maraming mangyayari.

“Kahit umulan, tuloy ang party! Ang sinecure lang namin is iyong technical aspects, saka iyong main stage.”

Kaya raw a n g 1 0 , 0 0 0 t o 1 2 , 0 0 0 katao sa Filinvest City grounds kasi nga mga nakatayo naman ang lahat. “Kasi, standing naman siya. You can go anywhere. Pero kinakabahan nga kami, kasi, noong inilabas namin iyong P399 (presyo ng ticket), for sure, they will go. The more, di ba, the happier,”say pa ng producer.

Sinubukan tanungin si John kung magkano ang budget ng music festival na ito, “mahal! Ha-ha-ha-ha! Basta, mahal po talaga,” natawang sabi nito.

-Reggee Bonoan