NAPILI ng Atlanta-based CNN ang Vigan, Ilocos Sur bilang isa sa “most beautiful towns” sa Asya para sa pamana nito at arkitektura na mula pa noong panahon ng Kastila.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DoT) ang pagpili, at sumang-ayon pa na ang kultura at pagkain ng Vigan ang naging dahilan upang tanghalin bilang “a picture-perfect site and deserving of the spot” sa CNN’s list.

“The CNN citation of the City of Vigan means that sustainable tourism is not just about environmental protection but also the preservation of the country’s history and culture,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sa listahan ng CNN noong Agosto 28, inilarawan ang Vigan bilang “one of the best places to experience Spanish colonial-era architecture in Asia”.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Plaza Salcedo, kasama ang puti’t dilaw na St. Paul’s Cathedral at ang Calle Crisologo, na kabilang sa three must-visit areas sa lungsod.

Binanggit din ng CNN na ang pampublikong pamilihan ng lungsod ay mayroong pottery workshop na nagbibigay oportunidad sa mga turista na gumawa ng tradisyunal na mga palayok at banga.

Itinatag noong 1572 ng mga Kastila ang Vigan, na isa ring United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage City.

Napili bilang isa sa New 7 Wonders Cities noong 2014, ilan pa sa atraksiyon ng Vigan ay ang food adventure rito sa kanilang kilalang mga pagkain tulad ng Bagnet, isang deep-fried na crispy pork belly; Poqui-poqui, isang halo-halong lutong gulay; at ang Empanada, isang pinalamanang piniritong tinapay.

Maliban sa Vigan, kasama rin sa CNN 13 most picturesque towns in Asia ang Hoi An Vietnam, Yufuin sa Japan, George Town sa Malaysia, Luang Prabang sa Laos, Kampot sa Cambodia, Phuket Town sa Thailand, Sai Kung sa Hong Kong, Zhouzhuang sa China, Kota Gede in Indonesia, Galle sa Sri Lanka, Mawlynnong sa India, at Ghandruk sa Nepal.

PNA