KUNG meron man natutunan si Miguel Tanfelix bilang si Ahmad sa seryeng Sahaya na magtatapos na ngayong Biyernes, September 6, 2019 to be exact sa Kapuso primetime telebabad unang-una niyang sambit agad ay..”To fight for what you love.” Coz ang journey nga niya bilang si Ahmad is all about fighting “Kampong” at kay Sahaya na ginagampanan ni Bianca Umali.

Miguel Tanfelix Ahmad 0904

At kung meron daw siyang natutunan sa pagtatapos ng Sahaya ito ay wala raw iba kundi every single person daw has a right to be happy at to fully live their lives.

Also ang the best thing daw na pag-portray niya sa role ni Ahmad ay yung na-experienced daw niya ang kultura at pamumuhay ng mga Badjaos.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Their hardships and kung paano mamuhay bilang isang Badjao is a great experience and learning.” Dagdag na sey pa nitong si Miguel.

Inamin pa ng actor na fondest memories sa kanya yung tuwing meron silang eksena sa gitna ng dagat dahil daw being close to nature habang sila ay nagtra-trabaho nang kanyang mga co-stars ay hindi raw niya naramdaman na siya ay nagwo-work kundi feeling daw niya ay isa siyang tunay na Badjao and as an actor daw, “it’s important to dig deeper into your character when you’re doing a scene.” Miguel even added.

Ayon pa sa ka-loveteam na ito ni Bianca, malaki raw ang naitulong at ipinagbago nang kanilang Sahaya serye sa buhay niya hindi lang dahil sa natutunan niya ang kultura at traditions ng mga Badjaos.

At ano raw naman ang naging perception niya sa mga Badjaos?

“They need to be treasured not only as indigenous people but as humans and as our fellow Filipinos.” Pagtatapos na lahad ni Miguel sa wikang ingles.

Well, kung sabagay, may tama siya, ha! Dito sa ating bansang ‘Pinas, lahat tayo ay dugong Pinoy anuman ang iyong kinagisnang lalawigan o tribo.

Yun, oh!

-MERCY LEJARDE