PINADAPA ng University of Santo Tomas ang University of East, 95-82, sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

NAPALAMAN sa depensa ng dalawang University of the East Warriors si UST Tiger Chabi Yo sa isang tagpo ng kanilang laro sa opening day ng UAAP basketball championship. (RIO DELUVIO)

NAPALAMAN sa depensa ng dalawang University of the East
Warriors si UST Tiger Chabi Yo sa isang tagpo ng kanilang laro
sa opening day ng UAAP basketball championship.
(RIO DELUVIO)

Nilamangan pa ng Growling Tigers ang Red Warriors sa pinakamalaking bentahe na 23 puntos sa bungad ng final canto bago nagsagawa ng rally ang Warriors, sa pamumuno ni rookie Harvey Pagsanjan para sa 80-90 iskor.

Hindi naman nagpabaya ang Tigers at mabilis na itinaas ang lamang sa 93- 80 matapos bumitaw ng dating Tiger Cubs standout na si Mark Nonoy ng tres.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Mula roon, hindi na muling nakaporma ang Red Warriors na ginabayan ng anak ng kanilang school owner na si Lucio Tan na si Bong Tan Jr. bilang coach kapalit ng nagbitiw nilang coach na si Joe Silva.

Nanguna para sa nasabing panalo ng UST si transferee Rhenz Abando na kumamada ng 22 puntos na kinabibilangan ng 5 triples. Sinundan naman siya ni Beninese slotman Soulemane Chabi Yo na umiskor ng 19 puntos at 12 rebounds at dating De La Salle player Brent Paraiso na may 10 puntos.

Nanguna naman para sa nabigong UE ang dating Cesafi 2-time MVP na si Rey Suerte na umiskor ng 23 puntos, 8 rebounds, 4 assists at 2 steals kasunod si Senegalese center Alex Diakite na tumapos na may 20-puntos at 21-rebounds at si Pagsanjan na may 15 puntos.

Sa isa pang laban, sumandig ang Ateneo de Manila kay Joanne Nimes upang mapataob ang University of the East, 74-65 sa larong idinaos sa UST Quadricentennial Pavilion sa Manila.

Nagsalansan ang third-year Lady Eagle guard ng 19 puntos kabilang na ang krusyal na limang sunod na puntos sa simula ng fourth period, upang agawin ang bentahe, 57-53 mula sedating 52-53.

-Marivic Awitan

Iskor:

UST (95) -- Abando 22, Chabi Yo 19, Paraiso 10, Concepcion 10, Cansino 9, Subido 5, Cuajao 5, Cosejo 5, Ando 4, Nonoy 3, Huang 3, Pangilinan 0, Bataller 0.

UE (82) -- Suerte 23, Diakhite 20, Pagsanjan 15, Mendoza 10, Tolentino 6, Abanto 5, Manalang 3, Apacible 0, Antiporda 0, Sawat 0, Conner 0.

Quarters: 27-19, 51-39, 69-52, 95-82