PAPAGITNA para sa makabuluhang talakayan ang chess at dragon bosat sa 38th "Usapang Sports" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Clùb sa Intramuros, Manila.

Magbibigay ng kanyang nakamit na karanasan sa World Cadet Chess Championsahip sa China si Antonella Berthe Racasa, habang ibibida ng Dragon Boat team ang tagumpya sa nilahukang World Championship kamakailan.

Nakatakda ang lingguhang sports forum ganap na 10:00 ng linggo.

Ang 12- year-old chess protégée ay galing sa ika-14 puwestong pagtatapos sa World Cadets Chess Championships sa Shandong, China.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kamakailan lang, ang batang Racasa ay pinarangalan ng TOPS bilang "Athlete of the Month" sa buwan ng Agosto. Siya ang unang chess player na pinagkalooban ng rekognisyon ng TOPS.

Darating din sa weekly session na inisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink ang mga opisyal ng Philippine Dragonboat Federation (PDBF), sa pangunguna ni president Nyllressan Planos Factolarin at secretary-general Japok Villanueva. Inaaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng mga opisyal at miyembro, maging mga kaibigan sa sports community na dumalo sa sesyon na napapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream.